Matinding epekto ng Pax Silica sa likas na yaman at komunidad, dapat masusing pag-aralan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,376 total reads

Nagbabala ang Advocates of Science and Technology for the People (AGHAM) na dapat masusing pag-aralan ang Pax Silica dahil sa posibleng matinding epekto nito sa likas-yaman, mga komunidad, at sa tunay na pakinabang na matatanggap ng mga Pilipino.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas, sinabi ni Dr. Chuckie Calsado, chairperson ng AGHAM, na hindi lamang simpleng pagtatayo ng artificial intelligence (AI) hub ang saklaw ng Pax Silica kundi bahagi ito ng mas malawak na pandaigdigang plano upang matiyak ang suplay ng mahahalagang mineral para sa semiconductor at AI industries.

Ayon kay Calsado, mayaman ang Pilipinas sa mga mineral na kailangan sa makabagong teknolohiya ngunit nananatiling malaking tanong kung tunay bang makikinabang ang bansa sa naturang proyekto.

“So, kung nakaangkla ‘yung Pax Silica sa usapin ng mina, ano ‘yung magiging epekto nito sa kabuhayan at doon sa buhay ng mga tao sa ating mga komunidad?” Bahagi ng pahayag ni Calsado.

Binigyang-diin niya na batay sa karanasan ng bansa sa industriya ng pagmimina, kadalasang mga katutubo, magsasaka at mangingisda ang direktang naaapektuhan ng malawakang pagmimina at iba pang extractive industries.

Aniya, mula pa noong 2012 ay kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming paglabag sa karapatang pantao laban sa mga environmental defenders, habang nananatiling maliit lamang ang naiaambag ng pagmimina sa kabuuang ekonomiya ng bansa.

“For several years, ang maximum na na-receive natin sa GDP sa usapin ng mining ay 1%. So, tataas ba ‘to sa usapin ng Pax Silica? Pero kung tumaas man, again, babalikan natin ‘yung epekto dun sa ating mga communities.” Dagdag pa ni Calsado.

Iginiit din ng AGHAM ang pangangailangan ng higit na transparency mula sa pamahalaan kaugnay ng proyekto, kabilang ang paglalabas ng environmental impact studies at iba pang mahahalagang dokumento.

Isa rin sa ikinababahala ng grupo ang napakalaking pangangailangan ng AI data centers sa tubig at kuryente.

Ayon kay Calsado, batay sa kanilang pagsusuri, maaaring umabot sa humigit-kumulang pitong porsiyento ng kabuuang konsumo ng kuryente ng bansa ang kakailanganin ng planong AI hub sa Clark pa lamang, habang malaki rin ang magiging pangangailangan nito sa suplay ng tubig.
Nagbabala rin ang AGHAM na kung hindi malinaw ang plano ng pamahalaan, maaaring maapektuhan ang suplay ng tubig at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa gitna ng banta ng matinding El Niño ngayong taon.

“Saan natin kukunin ang lahat ng ito? Resource-intensive ‘tong AI centers natin, hyperscale data center na tinatawag. At kung tayo nga mismo ngayon, umuulan pero mababa pa rin ‘yung tubig sa Angat Dam, or every now and then napapadalas na ‘yung dry spells natin. At wala pa tayo sa kalakasan ng El Niño this year, so mababa na ‘yung tubig. What more if we put something that will require a lot of water?” Ayon pa kay Calsado.

Bukod sa usapin ng kalikasan, kinuwestiyon din ng grupo ang ipinapangakong libu-libong trabaho mula sa Pax Silica.

Ayon kay Calsado, mahalagang alamin hindi lamang ang dami kundi ang kalidad ng mga trabahong malilikha.

Ipinaliwanag ng AGHAM na sa mga AI data center, limitado lamang ang direktang empleyo dahil sa mataas na antas ng automation, habang nananatiling hindi tiyak kung magkakaroon ng tunay na technology transfer at pangmatagalang benepisyo para sa mga Pilipino.

“They are saying thousands of jobs. But the other question is, what is the quality? What kind of jobs?” Ani Calsado.

Para sa AGHAM, dapat tiyakin ng pamahalaan na ang anumang kasunduang may kaugnayan sa Pax Silica ay magbibigay ng tunay na pakinabang sa bansa at hindi lamang magbubukas ng mas malawak na eksploitasyon sa likas-yaman at lakas paggawa ng Pilipinas.

Kaugnay nito, paulit-ulit na binibigyang-diin ng Simbahang Katolika sa mga panlipunang katuruan nito, kabilang ang Laudato Si’ ni Pope Francis, na ang pag-unlad ay hindi dapat isulong kapalit ng pagkasira ng kalikasan at paglabag sa dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 60,403 total reads

 60,403 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 80,567 total reads

 80,567 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 158,955 total reads

 158,955 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 203,266 total reads

 203,266 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 238,260 total reads

 238,260 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top