85-pisong wage increase, tugon sa tumataas na gastusin sa pamumuhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,338 total reads

Bagama’t unti-unting bumabagal ang inflation rate sa bansa, iginiit ng isang economic analyst na hindi pa rin ito nangangahulugang bumababa na ang presyo ng mga pangunahing bilihin, kaya nananatiling mahalaga ang mga hakbang na magpapagaan sa gastusin ng mga manggagawa at mga mamimili.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Eric Estrabo, economic analyst ng Publicus Asia Inc., na ang ipinagkaloob na ₱85 umento sa minimum na sahod ay tugon sa tumataas na gastusin sa pamumuhay at hindi bunga ng pagtaas ng productivity ng ekonomiya.

“Ang pagtaas ng umento sa sahod ay hindi dahil sa productivity gains kundi dahil sa pangangailangan ng manggagawa,” Bahagi ng pahayag ni Estrabo.

Ipinaliwanag niyang bagama’t may dagdag na gastos ito sa panig ng mga negosyo, kinakailangan pa ring tiyakin ang sapat na kita ng mga manggagawa dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, gasolina, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ayon kay Estrabo, nakikita naman ang unti-unting pagbagal ng inflation ngunit nananatiling hamon ang iba’t ibang panlabas at panloob na salik na nagtutulak sa mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado.

Kabilang sa mga tinukoy nito ang tensiyon sa Gitnang Silangan na nakaaapekto sa pandaigdigang presyo ng langis, gayundin ang mga kakulangan sa supply chain at imprastruktura sa bansa na nagpapataas sa halaga ng transportasyon at distribusyon ng mga produkto.

“Bumabagal lamang ang pagtaas ng presyo, pero hindi ibig sabihin nito ay bumababa na ang presyo ng mga bilihin,” Dagdag pa ni Estrabo.

Iginiit din ng economic analyst na hindi sapat ang polisiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagkontrol ng inflation at kailangan ding kumilos ang pamahalaan sa pamamagitan ng reporma sa pagbubuwis, kabilang ang posibilidad ng pagbabawas ng buwis sa kuryente at iba pang pangunahing bilihin upang mabawasan ang gastusin ng mga mamimili.

Tinukoy rin ni Estrabo ang tinatawag na “shrinkflation,” kung saan hindi itinataas ang presyo ng isang produkto ngunit binabawasan ang laman o dami nito upang makayanan ng mga manufacturer ang tumataas na production cost.

“Ang tawag natin doon, ‘yung hindi nagtataas ng presyo pero lumiliit, ang tawag natin doon ‘shrinkflation’. Kasi ang ginagawa ng gobyerno katuwang ‘yung mga manufacturing companies, ‘yung mga negosyante is, instead na magtaas, liliitan na lang. Kokonti na lang ‘yung quantity.” Paliwanag ni Estrabo.

Samantala, patuloy namang binibigyang-diin ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng isang ekonomiyang nakasentro sa tao kung saan ipinapaalala ng Compendium of the Social Doctrine of the Church na ang mga patakarang pang-ekonomiya ay nararapat magtaguyod ng kabutihang panlahat at unahin ang kapakanan ng mahihirap at mga manggagawa.

Hinihikayat din ng Simbahan ang pamahalaan at pribadong sektor na magtulungan upang matiyak ang makatarungang sahod, abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin, at isang sistemang pang-ekonomiyang nagbibigay-dangal sa bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,795 total reads

 46,795 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,298 total reads

 133,298 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,335 total reads

 176,335 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,093 total reads

 226,093 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,232 total reads

 385,232 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top