BMP, nanawagan sa Pasig RTC na bawiin ang suspension sa implementasyon ng 85-pisong wage increase

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,151 total reads

Nanawagan ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa hudikatura na bawiin ang temporary restraining order (TRO) na nagpahinto sa implementasyon ng ₱85 umento sa minimum na sahod sa National Capital Region (NCR).

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni BMP chairman Leody de Guzman na malaking dagok sa mga manggagawa ang hindi pagpapatupad ng wage increase na inaasahan sanang magkakabisa noong Hulyo 25, 2026.

Iginiit ni De Guzman na lalo nitong pinabibigat ang kalagayan ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa merkado.

“‘Yung inaasahan naming dagdag na sahod nung July 25 eh nawala pa, naging bato pa. Makakadagdag sana nga ‘yun doon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga manggagawa sa panahong ito na napakataas ang presyo ng kuryente at gasolina, eh binawi pa. Hinarang pa. Medyo may reklamo pa nga kami diyan dahil napakalayo doon sa cost of living niyan, “ Bahagi ng pahayag ni De Guzman.

Ayon sa labor leader, malayo pa rin ang ₱85 wage increase sa tunay na halaga ng pamumuhay o cost of living ng isang pamilya na tinatayang aabot na sa mahigit ₱1,300 kung saan mas mataas din ang naunang panukalang umentong nais ng mga labor groups.

Pagbabahagi ni De Guzman, bukod sa mas mababang umento na naaprubahan ay mas nakasasama ng loob sa mga manggagawa ang pagharang sa implementasyon nito.

Binigyang diin din ni De Guzman na malinaw na nakasaad sa Labor Code na hindi dapat pakialaman ng korte ang wage orders na inilalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.

“Ang higit na nakakasama ng loob, hinarang. Kaya masamang-masama ‘yung loob ng mga manggagawa, at nagdududa kami na malamang dahil sa kagustuhang mapagbigyan ‘yung management, eh hinarang. Nalimutan na mayroong batas, o mayroong Labor Code provision, na ‘yung sinumang korte ay hindi pwedeng makialam sa wage increases na ibinibigay ng wage board.” Ayon pa kay De Guzman.

Binatikos din ng BMP ang umano’y mabilis na pag-aksyon sa petisyon ng dalawang pribadong kumpanya na humiling ng TRO, samantalang matagal na ipinaglaban ng mga manggagawa ang nasabing umento.

Naniniwala rin ang labor leader na kung maipatutupad ang wage increase, hindi lamang mga manggagawa ang makikinabang kundi maging ang ekonomiya dahil gagamitin din ang karagdagang kita sa pagbili ng mga produkto at serbisyo.

“Hindi nila maisip na ‘yun naman ay ibibili ng produkto ng mga manggagawa nung mga bagay na hindi nila nabili nung mababa pa ang sahod nila. Kaya babalik din, at sisigla ang ekonomiya kung gano’n ang mangyayari.” Paliwanag ni De Guzman.

Nilinaw din ni De Guzman na hindi lahat ng manggagawa ay makikinabang sa wage hike dahil maraming micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang maaaring maging exempted sa pagpapatupad nito alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,172 total reads

 54,172 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,668 total reads

 140,668 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,705 total reads

 183,705 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,464 total reads

 233,464 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,120 total reads

 392,120 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top