Mahigit 8-libong indibidwal sa Cavite, inilikas sa mga evacuation center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,323 total reads

Ini-ulat ng Diocese of Imus – Social Action Center na 8,026 indibidwal mula sa 2,386 pamilya sa Cavite ang kasalukuyang na-displace at inilikas dahil sa pinagsamang epekto ng pinalakas na Habagat, Tropical Depression Luis at low-pressure area na dating Tropical Cyclone Maymay.

Batay sa ‘Byaheng Malasakitan Situational Report number two ng Caritas Imus, pasado ala-una ng hapon ngayong araw, umaabot narin sa 2,408 indibidwal o 648 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center, habang 5,618 indibidwal o 1,738 pamilya naman ang nasa labas ng evacuation centers.

Inihayag ng Caritas Imus na malaki ang bilang ng apektado sa Tanza, Imus, Ternate, Kawit at iba pang mabababang lugar sa lalawigan.

Wala namang naitalang namatay, bagamat may mga nasirang bahay at kabuhayan, kabilang ang 5-nasirang bangka habang dalawa ang nawawala sa Ligtong, Rosario.

Marami din ang bahagyang nasirang mga bahay sa General Mariano Alvarez, Magallanes, Dasmariñas at Silang.

Ibinahagi ng Caritas Imus na naka-alerto sila at patuloy na mino-monitor ang mga lugar na binaha dahil sa walang tigil nap ag-uulan.

Inatasan na rin ng Caritas Imus ang lahat ng Parokya sa pamamagitan ng Parish Social Action Ministries na magsagawa ng monitoring, mangalap ng datos at makipag-ugnayan sa kanila para sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan sa lalawigan ng Cavite.

“Caritas Imus is on alert status and continuous monitoring of the Situation. All Parishes through their Parish Social Action Ministries are encourage to monitor the situation and coordinate to Caritas Imus for data gathering & possible interventions,” ang mensahe ng Caritas Imus sa Radyo Veritas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 18,188 total reads

 18,188 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 66,755 total reads

 66,755 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 168,021 total reads

 168,021 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 238,197 total reads

 238,197 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 323,651 total reads

 323,651 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top