Pagdami ng mga sibilyang namamatay sa digmaan, ikinabahala ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,685 total views

Nanawagan si Pope Leo XIV ng agarang pagwawakas ng karahasan sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga sibilyang nasasawi sa digmaan sa Ukraine at Russia.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square nitong Linggo, August 9, iginiit ng Santo Papa na hindi kailanman magiging daan sa kapayapaan ang patuloy na karahasan.

“War only begets more war and causes immense suffering. It is time to put an end to this vicious cycle of violence and make room for diplomacy and dialogue, so as to open the way to peace,” ayon kay Pope Leo XIV.

Nababahala si Pope Leo sa patuloy na pagdami ng mga insidente ng pagpaslang at pagkasugat sa magkabilang panig, kabilang ang mga inosenteng sibilyan at mga bata.

Muling hinimok ng punong pastol ang magkabilang panig na wakasan ang mga pag-atake sa mga sibilyang target at igalang ang international humanitarian law.

“I renew my heartfelt appeal for humanitarian law to be respected and for both sides to cease attacks on civilian targets,” giit ng Santo Papa.

Lubha ring nababahala ang Santo Papa sa lumalalang sitwasyon sa Sudan, partikular sa lungsod ng El-Obeid.

Apela nito sa mga nasa kapangyarihan na tiyakin ang mga humanitarian corridors para sa mga sibilyan at hinimok ang international community na suportahan ang mga pagsisikap para sa agarang tigil-putukan.

“I renew my appeal to those in authority to guarantee humanitarian corridors for the civilian population. At the same time, I urge the international community to support efforts aimed at bringing about an immediate ceasefire,” ayon pa kay Pope Leo.

Iniugnay naman ni Pope Leo ang mga krisis na kinakaharap ng mundo sa mensahe ng Ebanghelyo tungkol kay Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig habang hinaharap ng mga alagad ang malakas na bagyo.

Binigyang-diin ng Santo Papa na hindi sapat ang tagumpay o pagkakita lamang ng himala upang maging malalim ang pananampalataya. Sa halip, kailangang maranasan ng tao ang sariling kahinaan upang higit na makilala ang presensya ng Diyos.

Binigyang-diin ng punong pastol na si Hesus lamang ang pinagmumulan ng pag-asa sa gitna ng kawalang-katiyakan sa mundo.

“Whatever the circumstances, Jesus does not abandon us, and if we humbly welcome him into the boat of our lives — through prayer, the sacraments and listening to his Word — in him, we will find peace, light and strength for our journey,” dagdag ng Santo Papa.

Sa datos ng United Nations, naitala na 1,396 na sibilyan ang nasawi at 7,978 ang nasugatan sa unang pitong buwan ng 2026, na mas mataas ng 37 porsyento kumpara sa mga datos noong 2025.

Samantala, ayon naman sa Russian Foreign Ministry, nasa 797 sibilyan ang nasawi ngayong taon dahil sa digmaan.

Patuloy ang panawagan ni Pope Leo XIV sa mga komunidad sa buong mundo at sa mga lider ng bawat bansa na magtulungang isulong ang dayalogo tungo sa pangmatagalang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 4,462 total views

 4,462 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 60,475 total views

 60,475 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 124,156 total views

 124,156 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 193,406 total views

 193,406 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 223,639 total views

 223,639 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top