Mga kabataan, inaanyayahang pagnilayan ang bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,425 total reads

Itatampok ang panawagan sa mga kabataan na pagnilayan ang bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso sa pamamagitan ng Vocation Jamboree at Holy Hour for Vocations bilang bahagi ng pagbubukas ng ika-4 na Tour ng Pilgrim Image ni St. Tarcisius of Rome sa August 21 sa Good Shepherd Cathedral ng Diocese of Novaliches sa Quezon City.

Sa Vocation Jamboree mula alas-1:30 hanggang alas-2:20 ng hapon, magkakaroon ng mga booth ang mga vocation director mula sa Diocese of Novaliches at iba’t ibang religious communities upang ipakilala ang mga bokasyon sa Simbahan, magbahagi ng impormasyon at hikayatin ang mga kalahok na bukas na pagnilayan ang posibilidad ng pagtugon sa tawag ng Panginoon.

Susundan ito ng Holy Hour for Vocations mula alas-2:20 hanggang alas-3:10 ng hapon, kung saan ilalaan ang panahon para sa tahimik na pananalangin, pagninilay, pagbabasa ng Banal na Kasulatan at paghingi sa Panginoon ng dagdag na mga bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso.

Pangungunahan ni Fr. Joshua Paul Sadernas, Vocation Director ng diyosesis, ang Holy Hour na magsisilbing espirituwal na paghahanda bago ang pormal na pagsisimula ng pilgrimage.

Magkakaroon din ng liturgical formation para sa mga altar server ng diyosesis, habang pangungunahan ni Dr. Dave dela Cruz, O.P., ang talakayan tungkol sa buhay ni St. Tarcisius at sa mga banal na relikya.

Si St. Tarcisius ay kinikilalang patron ng mga altar server at naging huwaran ng katapatan sa Eukaristiya at matapang na paglilingkod sa kabila ng panganib.

Ganap namang idedeklara ang pagsisimula ng ika-4 na Tour sa Rite of Enthronement and Prayer to St. Tarcisius of Rome dakong alas-3:30 ng hapon, na pangungunahan ni Fr. Leoncito Falcasantos, Jr., Priest-in-Charge ng Diocesan Ministry of Altar Servers.

Susundan ito ng solemn procession sa paligid ng Novaliches Cathedral bago ang Solemn Welcome Mass, sa alas-6 ng gabi, na pangungunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, kasama ang mga pari mula sa iba’t ibang parokya at mga religious congregation.

Inaasahang bibisitahin ng pilgrim relic ni St. Tarcisius ang 74 na parokya ngayong taon, bilang bahagi ng pagpapalalim ng debosyon sa banal na Eukaristiya at paghikayat sa mga kabataan na tuklasin ang kanilang bokasyon sa Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 20,213 total reads

 20,213 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 68,629 total reads

 68,629 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 169,895 total reads

 169,895 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 240,071 total reads

 240,071 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 325,420 total reads

 325,420 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top