DOLE, hinimok na ayusin ang “legal loophole” sa suspension ng wage order

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,413 total reads

Nanawagan ang kinatawan ng labor sector sa Department of Labor and Employment na tugunan ang legal na basehan na hadlang sa pagpapatupad ng wage order na 85-pisong minimum wage increase sa mga manggagawa National Capital Region.

Iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP Partylist na hindi sapat ang bagong Administrative Order No. 264 ng DOLE na nakatuon sa pagpapatupad, pagmamanman at enforcement ng mga wage order dahil ang kailangan ng mga manggagawa ay totoong wage hike.

Sinabi ng TUCP na dapat kilalanin ni DOLE secretary Francis Tolentino na “supervening event” ang pagkaantala ng implementasyon ng wage order.

Hinimok naman ng NAGKAISA labor coalition ang DOLE at Office of the Solicitor General na aktibong ipaglaban at ipawalang bisa na ang temporary restraining order o TRO na kasalukuyang pumipigil sa pagpapatupad ng NCR Wage Order No.27.

Binigyang-diin ng NAGKAISA na bawat araw na naaantala ang wage hike ay may direktang epekto sa kita ng mga manggagawa.

Nanawagan din ang NAGKAISA na lutasin ang “legal loophole” na nagpapahintulot sa mga employer na dalhin sa korte ang mga wage order at humingi ng injunction, na maaaring magresulta sa matagal na pagkaantala sa pagpapatupad nito.

Iginiit ng mga labor organization na hindi dapat mauwi sa simpleng pagmamanman at pagpapatupad ng wage orders ang polisiya ng pamahalaan, lalo na sa harap ng tinatawag nilang wage crisis.

Nakasaad naman sa mga katuruan ng ensiklikal na Rerum Novaarum at Laborem Excercens nina Pope Leo XIII at Saint John Paul II na dapat ipatupad ng pamahalaan ang makatarungang antas ng suweldo sa mga manggagawang nakabatay sa kanilang pinaghirapan at lagay ng ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 109,764 total reads

 109,764 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 143,094 total reads

 143,094 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 175,238 total reads

 175,238 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 241,300 total reads

 241,300 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 253,516 total reads

 253,516 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top