Bishop Galbines, malugod na tinanggap ng 4-na Negros Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,557 total reads

Malugod na tinanggap ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang pagkakatalaga kay Bishop Louie Galbines bilang bagong obispo ng Diocese of Bacolod.

Sa kanyang mensaheng “A Church Journeying Together: Welcome Home, Bishop Louie!”, sinabi ni Bishop Alminaza na mahalaga ang pamumuno ni Bishop Galbines sa pagsusulong ng isang mas synodal na Simbahan sa Bacolod, na nakatuon sa pakikinig, pagkilatis, pakikilahok at misyon.

Ayon kay Bishop Alminaza, nagbabalik si Bishop Galbines sa Simbahang tumulong humubog sa kanyang bokasyon, dala ang malalim na espirituwalidad, pusong marunong makinig at kumilatis, na palakasin ang pagkakapatiran ng mga pari at pakikipagkaisa sa buong sambayanan ng Panginoon.

“He now receives a rich inheritance from the six bishops who preceded him, each of whom served the Church of Bacolod according to the needs of his time. This legacy is inseparable from the story of Negros itself—a land of deep faith and abundant gifts, but also a land marked by poverty and inequality, struggles for land and dignified work, care for our common home, and the continuing cry for justice and peace. The Church in Negros has repeatedly been called to stand close to the poor and to accompany our people in both their suffering and their hope,” ayon sa mensaheng binahagi ni Bishop Alminaza.

Hinimok din ni Bishop Alminaza ang bagong pamunuan ng Diocese of Bacolod na ipagpatuloy ang misyon ng Simbahan na maging malapit sa mga mahihirap at makiisa sa mga pangunahing hamon sa Negros, kabilang ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay, usapin sa lupa at marangal na trabaho, pangangalaga sa kalikasan, at pagsusulong ng katarungan at kapayapaan.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Alminaza para sa higit na pagkakaisa at pagtutulungan ng apat na diyosesis sa Negros—Bacolod, San Carlos, Kabankalan at Dumaguete—upang sama-samang makinig, kumilatis at tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sa buong isla.

Binigyang-diin ng obispo na magkakaugnay ang mga saya at sugat ng mga taga-Negros kaya dapat ding maging magkatuwang ang misyon ng Simbahan, tungo sa isang mas synodal, missionary, malapit sa mahihirap at matatag sa pag-asa na Simbahan sa rehiyon.

Lubos din ang pasasalamat ni Bishop Alminaza sa mabuting paglilingkod ni Bishop Patricio Buzon, SDB, sa Simbahan ng Bacolod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 14,468 total reads

 14,468 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 51,616 total reads

 51,616 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 105,450 total reads

 105,450 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 168,442 total reads

 168,442 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 236,209 total reads

 236,209 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top