Bacolod Bishop Galbines, hinimok ni Cardinal Advincula na paigtingin ang tiwala kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,252 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula si Bacolod Bishop Louie Galbines na higit pang paigtingin ang pagtitiwala kay Hesukristo sa kanyang paglilingkod bilang bagong pastol ng Diocese of Bacolod.

Sa homiliya ni Cardinal Advincula sa installation at canonical possession ni Bishop Galbines bilang ikapitong obispo ng diyosesis nitong August 11 sa San Sebastian Cathedral, binigyang-diin nito na hindi sapat ang sariling kakayahan o karanasan ng isang obispo sa pagharap sa mga hamon at pagtupad ng kanyang pastoral na misyon.

“Christ does not call us because we are already sufficient; rather, He calls us because His grace will be sufficient. The Bishop’s confidence in Christ is sustained by the deeper truth that Christ has confidence in him,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinabi ng kardinal na maaaring may mga pagkakataong tila walang bunga ang mga pastoral na pagsisikap, mahirap lutasin ang mga suliranin, at hindi tiyak ang hinaharap.

Subalit kailangang patuloy na bumalik ang isang obispo sa halimbawa ni Apostol San Pedro na muling naghagis ng lambat dahil sa kanyang pagtitiwala sa mga salita ni Hesus.

“This is the first foundation of our episcopal ministry: not so much confidence in our own experience or expertise, but confidence in Jesus,” giit ng kardinal.

Iginiit ni Cardinal Advincula na ang pagtitiwala kay Hesus ang dapat magbigay kay Bishop Galbines ng lakas sa pagtuturo ng pananampalataya, pangunguna sa mga sakramento at panalangin, pamamahala nang may katarungan at pag-ibig, pag-aaruga sa mga sugatan at naghahanap, pagsusulong ng mga bokasyon, at pagtataguyod ng pagkakaisa sa lokal at pandaigdigang Simbahan.

Samantala, sa kanyang mensahe, inilarawan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Galbines bilang pagpapatuloy sa misyon ng diyosesis lalo na sa pagkalinga at paggabay sa mga mananampalataya.

“Today, we witness the passing of the torch—the flame of faith—from the sixth to the seventh Bishop, without interruption,” ayon kay Archbishop Brown.

Pinasalamatan ng nuncio si Bishop Patricio Buzon sa isang dekadang tapat na paglilingkod sa diyosesis at hiniling sa mga mananampalataya na patuloy na ipasa ang pananampalataya sa mga kabataan.

Sa kanyang mensahe batid ni Bishop Galbines na hindi naging madali ang kanyang pag-alis sa Diocese of Kabankalan matapos ang walong taong paglilingkod, sapagkat hindi lamang isang lugar ang kanyang iniiwan kundi isang pamayanang naging bahagi ng kanyang buhay at ministeryo.

“Leaving Kabankalan is never easy, because it is not merely about a place—it is about the heart of priests, the heart of religious men and women, and the heart of the people of God,” aniya.

Sa kanyang pagbabalik sa Bacolod bilang bagong obispo, ipinahayag ng obispo ang kanyang pagpapakumbaba sa mainit na pagtanggap ng mga mananampalataya.

“Coming back home to Bacolod in my ‘nothingness,’ I am overwhelmed by your elegant and kingly welcome,” giit ni Bishop Galbines.

Tiniyak naman ng bagong obispo na haharapin niya ang kanyang bagong misyon kasama ang Kristiyanong pamayanan ng Bacolod bilang magkakaibigan, magkakapatid, at higit sa lahat, bilang isang pamilya ng Diyos.

Si Bishop Galbines ay itinalaga ni Pope Leo XIV bilang ikapitong obispo ng Bacolod noong May 14, makaraang maabot ni Bishop Buzon ang mandatory retirement age ng isang obispo.
Ipapastol ni Bishop Galbines ang mahigit isang milyong Katoliko katuwang ang halos 170 mga pari sa 68 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 14,363 total reads

 14,363 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 51,511 total reads

 51,511 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 105,345 total reads

 105,345 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 168,339 total reads

 168,339 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 236,106 total reads

 236,106 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top