Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,097 total reads

Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga gamot, rosaryo, at iba pang produkto, kabilang ang mga mensaheng humihingi ng pera o donasyon.

Sa panayam sa Radyo Veritas, mariing itinanggi ng pari ang anumang endorsement at nanawagan sa publiko, lalo na sa mga nakatatanda at kapos sa buhay, na maging mapagmatyag laban sa mga mapanlinlang na online post at video.

“Maraming lumalabas na AI-generated fake news po, ’yun na ako raw ay nag-e-endorse ng gamot… Fake news po lahat ‘yan. I only endorse Christ. That’s all,” pahayag ni Fr. Orbos sa Radyo Veritas.

Ayon sa pari, may mga lumalapit sa kanya na nagsasabing bumili ito ng mga produkto dahil inaakala nilang inirerekomenda ito ni Fr. Orbos. Aniya, nakalulungkot na ang mga ganitong panlilinlang ay nakaaapekto sa mga taong madaling maniwala at maaaring kapos pa sa kabuhayan.

“Do not be deceived, maging mapagmasid po tayo. Hindi po ako nag-e-endorso ng anumang gamot, anumang rosaryo, o anumang kung ano-ano po,” paalala ni Fr. Orbos.

Partikular na binalaan ng pari ang publiko laban sa mga account, reels, at mensaheng gumagamit ng kanyang pangalan upang manghingi ng pera, donasyon, o mangalap ng pondo para sa sinasabing pagbili ng lupa.

Nilinaw din ng pari na mayroon siyang opisyal na Facebook account na “Jerry Orbos” at may blue badge ang profile nito.

Bagama’t hindi niya ikinababahala ang pagre-repost ng mga content na naglalaman ng kanyang mga pagninilay sa mga Salita ng Diyos, sinabi niyang hindi dapat pagkakitaan o gamitin ang kanyang pagkakakilanlan sa anumang pangongolekta ng pera.

Inilarawan ni Fr. Orbos ang lumalalang pagkalat ng kasinungalingan sa online space bilang “truth decay,” kung saan handang sirain ang katotohanan para lamang kumita.

“Hindi po mananaig ang kalokohan; mananaig pa rin ang katotohanan,” giit niya, kasabay ng panawagang magtulungan ang mamamayan sa paglaban sa fake news sa tulong at gabay ng Espiritu Santo.

Paulit-ulit na paalala ng mga lider ng simbahan sa mga mananampalataya na huwag basta maniwala sa mga taong gumagamit ng pangalan ng mga kardinal, arsobispo, obispo, pari, o anumang institusyon ng simbahan para makapanloko.

Bukod kay Fr. Orbos, laganap din sa social media platform na Facebook ang mga AI-generated video na nag-eendorso ng mga produkto gamit ang mga pagkilanlan tulad nina Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Pablo Virgilio David, Cardinal Jose Advincula, at iba pang mga obispo, pari, at kilalang lider ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 8,658 total reads

 8,658 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 47,242 total reads

 47,242 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 65,449 total reads

 65,449 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 149,780 total reads

 149,780 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 186,717 total reads

 186,717 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top