Pagpapalaya sa mga bihag sa Haiti, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,907 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV ng agarang pagpapalaya sa lahat ng bihag kasunod ng ulat ng malagim na masaker sa Kenscoff, Haiti.

Sa kanyang mensahe matapos ang Angelus sa Piazza della Libertà sa Castel Gandolfo, inihayag ng Santo Papa ang kanyang pakikiisa sa mga biktima at kanilang mga pamilya matapos ang insidenteng kumitil sa maraming buhay at nag-iwan ng ilan bilang bihag.

“I express my spiritual closeness to the victims and their families, and call for the immediate release of all hostages,” ayon sa pahayag ni Pope Leo XIV.

Umapela rin ang punong pastol ng Simbahang Katolika sa mga namumuno na kumilos upang wakasan ang karahasan at tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.

“I make a heartfelt appeal to all those in positions of authority to take concrete steps in order to ensure the safety of the population and put an end to all forms of violence,” ani ng Santo Papa.

Muling iginiit ni Pope Leo XIV ang panawagan para sa kapayapaan sa mundo, sa paggunita sa aral ni San Agustin ukol sa kapayapaan bilang tinapay na pinaghahati-hati at ibinabahagi.

“May there be an increase in the world of those who courageously break and share the bread of peace, overcoming divisions, promoting justice and practicing forgiveness for the good of all,” ayon sa Santo Papa.

Nagpaabot din ng panalangin ang Santo Papa para sa mga apektado ng matinding pagbaha sa Nepal at Tibet, kabilang ang mga nasawi, nasugatan, nawawala, kanilang mga pamilya, at mga rescue worker.

Kasabay nito, hinikayat niya ang mga mananampalataya na itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan sa pagsisimula ng Season of Creation, na may temang “Living Water.”

“Caring for our common home calls for a conversion of heart, so that what has been used to bring about destruction may instead be directed toward life,” giit ni Pope Leo.

Sa September 1, sa pagsisimula ng Season of Creation ay pangungunahan ng Santo Papa ang pagbubukas sa pamamagitan ng banal na misa sa Laudato Si’ Garden sa Castel Gandolfo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,686 total reads

 68,686 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,188 total reads

 104,188 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,488 total reads

 139,488 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,758 total reads

 365,758 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,299 total reads

 255,299 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top