Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,702 total reads

Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga gamot, rosaryo, at iba pang produkto, kabilang ang mga mensaheng humihingi ng pera o donasyon.

Sa panayam sa Radyo Veritas, mariing itinanggi ng pari ang anumang endorsement at nanawagan sa publiko, lalo na sa mga nakatatanda at kapos sa buhay, na maging mapagmatyag laban sa mga mapanlinlang na online post at video.

“Maraming lumalabas na AI-generated fake news po, ’yun na ako raw ay nag-e-endorse ng gamot… Fake news po lahat ‘yan. I only endorse Christ. That’s all,” pahayag ni Fr. Orbos sa Radyo Veritas.

Ayon sa pari, may mga lumalapit sa kanya na nagsasabing bumili ito ng mga produkto dahil inaakala nilang inirerekomenda ito ni Fr. Orbos. Aniya, nakalulungkot na ang mga ganitong panlilinlang ay nakaaapekto sa mga taong madaling maniwala at maaaring kapos pa sa kabuhayan.

“Do not be deceived, maging mapagmasid po tayo. Hindi po ako nag-e-endorso ng anumang gamot, anumang rosaryo, o anumang kung ano-ano po,” paalala ni Fr. Orbos.

Partikular na binalaan ng pari ang publiko laban sa mga account, reels, at mensaheng gumagamit ng kanyang pangalan upang manghingi ng pera, donasyon, o mangalap ng pondo para sa sinasabing pagbili ng lupa.

Nilinaw din ng pari na mayroon siyang opisyal na Facebook account na “Jerry Orbos” at may blue badge ang profile nito.

Bagama’t hindi niya ikinababahala ang pagre-repost ng mga content na naglalaman ng kanyang mga pagninilay sa mga Salita ng Diyos, sinabi niyang hindi dapat pagkakitaan o gamitin ang kanyang pagkakakilanlan sa anumang pangongolekta ng pera.

Inilarawan ni Fr. Orbos ang lumalalang pagkalat ng kasinungalingan sa online space bilang “truth decay,” kung saan handang sirain ang katotohanan para lamang kumita.

“Hindi po mananaig ang kalokohan; mananaig pa rin ang katotohanan,” giit niya, kasabay ng panawagang magtulungan ang mamamayan sa paglaban sa fake news sa tulong at gabay ng Espiritu Santo.

Paulit-ulit na paalala ng mga lider ng simbahan sa mga mananampalataya na huwag basta maniwala sa mga taong gumagamit ng pangalan ng mga kardinal, arsobispo, obispo, pari, o anumang institusyon ng simbahan para makapanloko.

Bukod kay Fr. Orbos, laganap din sa social media platform na Facebook ang mga AI-generated video na nag-eendorso ng mga produkto gamit ang mga pagkilanlan tulad nina Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Pablo Virgilio David, Cardinal Jose Advincula, at iba pang mga obispo, pari, at kilalang lider ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,910 total reads

 66,910 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,563 total reads

 102,563 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,863 total reads

 137,863 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,133 total reads

 364,133 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,754 total reads

 253,754 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top