Mining exploration sa Kasibu, Nueva Vizcaya, pinapahinto ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,782 total reads

Nanawagan ang Caritas Philippines ng agarang suspensiyon sa exploration at kaugnay na operasyon ng pagmimina sa Kasibu, Nueva Vizcaya, kasunod ng pagkakaaresto sa 13 residente sa anti-mining barricade sa Barangay Paquet noong August 28.

Sa pahayag ng Integral Ecology Ministry ng Caritas Philippines, hiniling nito ang isang maagap, walang kinikilingan at transparent na imbestigasyon sa police clearing operation na iniulat na isinagawa upang bigyang-daan ang pagdaan ng langis patungo sa exploration area ng North Luzon Mineral Resources Corporation.

Ayon sa Caritas Philippines, kailangang mapangalagaan ang karapatan at dignidad ng mga inaresto, kabilang ang ganap na access sa kanilang pamilya, abogado, serbisyong medikal kung kinakailangan, at lahat ng hakbang para sa due process.

“Communities raising legitimate concerns about projects that may affect their homes, farms, watersheds, and ancestral domains must be heard and respected; they must never be treated as obstacles to development,” ayon sa pahayag.

Iginiit din ng organisasyon na ang lehitimong pagtutol ng mga komunidad sa mga proyektong maaaring makaapekto sa kanilang lupa, tubig, at kabuhayan ay hindi dapat tugunan ng pananakot, pangha-harass, paggamit ng puwersa, at paglabag sa mga karapatan, lalo na sa due process.

Hinimok ng Caritas Philippines ang Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau, at National Commission on Indigenous Peoples na ipatigil ang exploration, clearing, at transport activities habang isinasailalim sa malaya at transparent na pagsusuri ang mga permit, konsultasyon, environmental safeguards, at pagsunod sa karapatan sa free, prior, and informed consent o FPIC.

Binigyang-diin ng institusyon na hindi dapat gamitin ang mga institusyon ng estado upang patahimikin ang mga komunidad o ipilit ang mga proyektong pinangangambahang magdulot ng pagkawala ng lupa at kabuhayan.

“Economic gain cannot justify sacrificing human dignity, Indigenous rights, watersheds, biodiversity, and the common good,” anila.

Inalala rin ng Caritas Philippines ang naunang pagkakaaresto noong August 19 sa tatlong lider ng Kasibu Intertribal Response for Ecological Development, o KIRED, sa kaparehong barricade, na kalaunan ay nakalaya matapos mag-piyansa.

Tinukoy rin nito ang kinaharap na kasong sibil ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, isang pari at ilang community advocates kaugnay ng mga barricade.

Ayon sa pahayag, ibinasura ng Kasibu Municipal Trial Court noong June 24 ang civil forcible-entry complaint dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon.

Iginiit ng grupo na ang paninindigan ng mga Indigenous Peoples at magsasaka ng Kasibu ay hindi pagtutol sa pag-unlad kundi panawagan para sa makatarungan, napapanatili at may pananagutang kaunlaran.

“This is not opposition to development. It is a call for development that is just, sustainable, and accountable,” ayon sa Caritas Philippines.

Nanawagan ang grupo sa pambansa at lokal na pamahalaan na pakinggan ang mga mamamayan ng Kasibu, at tugunan ang kanilang mga pangamba sa pamamagitan ng transparent at dayalogo sa halip na pairalan ang dahas.

“No mining or exploration activity should proceed at the expense of Indigenous rights, environmental protection, due process, and the meaningful participation of affected communities,” dagdag ng Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 146,452 total reads

 146,452 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 204,618 total reads

 204,618 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 341,123 total reads

 341,123 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 453,081 total reads

 453,081 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top