Catholic missionaries, hinamon ni Cardinal Ambo na maging saksi ni Kristo sa digital world.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,782 total reads

Hinamon ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang Catholic digital missionaries na higit sa pagiging influencers, maging mga saksi ni Kristo sa digital world.

Sa kanyang homily sa Closing Mass and Rites of Commissioning ng Asian Catholic Digital Missionary Assembly 2026, binigyang-diin ni Cardinal David na hindi dapat followers, likes o visibility ang maging sukatan ng kanilang misyon, kundi ang pagbuo ng tunay na ugnayan at pagdadala sa mga tao tungo kay Kristo.

“The digital world is not merely a collection of tools that we use, it has become a culture, a place where people meet, suffer, hope, and search for God, Do not go into that world merely as content creators, but go there as missionaries who listen before reacting, judging, or waiting for their turn to speak.”

Hinikayat niya ang mga digital missionaries na makinig bago magsalita o humusga, lalo na sa mga boses na madalas hindi napapakinggan, at gamitin ang online platforms upang lumikha ng mga espasyo ng pagkikita, pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Iginiit din ng obispo na ang taong nasa kabilang screen, kahit hindi kasundo o may ibang pananaw, ay hindi kaaway kundi kapatid na dapat tratuhin nang may dignidad.

Binigyang-diin ni Cardinal David na ang tunay na digital missionary ay hindi lamang content creator kundi isang missionary disciple, tagapakinig, kasama at tagapagtayo ng tulay, upang manaig ang pagkakaisa at pag-asa sa halip na galit at pagkakahati.

“The internet can connect millions of people and still leave them terribly lonely, while algorithms gather people into groups only to divide them into hostile camps, Your mission is not simply to gather followers, it is rather to build relationships, to create spaces of encounter, and to help people journey together,” ayon sa pagninilay ni Cardinal David.

Pinarating ito ng Cardinal sa huling araw ng Asian Catholic Digital Missionary Assembly 2026 sa pangangasiwa ng Radio Veritas Asia at Federation of Asian Bishops Office of Social Communication, Vatican Dicastery for Communication at Fully Present Network.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 8,571 total reads

 8,571 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 118,119 total reads

 118,119 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 162,790 total reads

 162,790 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 184,994 total reads

 184,994 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 221,324 total reads

 221,324 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top