Digital missionaries, hinimok na maging digital witness ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,682 total reads

Binigyang-diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang mahalagang papel ng mga digital missionary at catechist sa harap ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, partikular ang artificial intelligence, robotics, at iba pang digital platforms.

Sa kanyang mensahe sa Radyo Veritas, kaugnay ng kauna-unahang Asian Catholic Digital Missionary Assembly (ACDMA) 2026, sinabi ni Archbishop Garcera na bagama’t bago pa ang konsepto ng digital missionaries at digital catechists, isinasagawa na ito sa
kasalukuyan kaya mahalagang matutuhan ng Simbahan kung paano ito gagamitin nang responsable.

“Unang-una, napakahalaga ang ganitong pag-iisip o kaya gawain sapagkat ang tinatawag natin digital missionaries o digital catechists ay bago, ngunit ginagawa na. Kinakailangang matuto tayo kung papaano gamitin ito.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Garcera sa Radyo Veritas.

Binigyang-pansin din ng pangulo ng CBCP ang kahalagahan ng dokumento ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na nagsusulong sa dapat pagninilay kaugnay sa epekto ng digital technology sa buhay ng tao.

Ayon sa Arsobispo, hindi lamang komunikasyon ang naaapektuhan ng digital world, kundi maging ang paghubog ng mga pagpapahalaga ng tao.

Pagbabahagi ni Archbishop Garcera na mahalaga ang naganap na pagtitipon bilang pagkakataon para sa mga Catholic digital missionaries mula sa iba’t ibang bansa sa Asya na pagnilayan ang kanilang pagkakakilanlan at misyon sa digital environment.

“The digital world, cyber platforms, robotics, AI ang lahat ng ito influences values. Kung kaya’t sa pagtitipong ito ay napakahalaga para sa atin. Sapagkat sa pamamagitan ng pagtitipon dito sa Pilipinas ng iba’t ibang bansa galing sa Asia ay nakapagbibigay ng pagninilay patungkol sa identity ng isang Catholic digital missionary.” Dagdag pa ni Archbishop Garcera.

Tinatayang nasa 100 na mga digital influencers mula sa Asya ang nakibahagi sa apat na araw ng pagtitipon noong Setyembre 10-13, 2026 sa Radio Veritas Asia, na layuning pag-isahin ang kanilang mga karanasan at pagnilayan kung paano magiging mas makabuluhan ang digital evangelization.

Gayunman, binigyang-diin ni Archbishop Garcera na hindi dapat matapos sa pagiging digital influencers ang kanilang pagkakakilanlan.

Para sa Arsobispo, ang tunay na digital mission ay hindi lamang paggamit ng teknolohiya upang maabot ang mas maraming tao, kundi pagpapakilala kay Hesus sa pamamagitan ng mismong buhay ng mga nagsasagawa ng misyon.

“’You are not just digital influencers, you are digital witnesses.’ Kung kaya’t hindi lamang sa pamamagitan ng technology nakakarating tayo sa mga tao, kundi sa pamamagitan ng buhay na ipinapakilala, walang iba kundi si Hesus.”” Ayon pa kay Archbishop Garcera.

Sa pananaw ng Simbahan, mahalaga ang digital evangelization hindi lamang sa mahusay na paggamit ng makabagong teknolohiya kundi sa pagtiyak na nananatiling nakasentro ito sa dignidad ng tao at sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, kung saan sa gitna ng mabilis na pagbabago ng digital world, tinatawagan ang mga misyonaryo na hindi lamang maging influential online, kundi maging tunay at kapani-paniwalang saksi ni Kristo sa kanilang buhay.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 28,172 total reads

 28,172 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 52,720 total reads

 52,720 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 91,508 total reads

 91,508 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 125,636 total reads

 125,636 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 182,042 total reads

 182,042 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 28,173 total reads

 28,173 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top