Tuparin ang mandato ng Korte Suprema na magpasa ng anti-dynasty law, panawagan ni Cardinal David sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,963 total reads

Nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa Kongreso na ipatupad na ang utos ng 1987 Constitution na magpasa ng batas laban sa political dynasties, kasunod ng unanimous ruling ng Supreme Court na tinukoy ang matagal na pagkabigo ng lehislatura bilang “grave abuse of discretion.”

Sa kanyang Facebook account, binigyang-diin ni Cardinal David ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman matapos ang 39 na taon mula nang pagtibayin ang 1987 Constitution.
Ayon sa Cardinal, malinaw sa Article II, Section 26 ng Konstitusyon ang mandato na tiyakin ang pantay na access sa oportunidad para sa public service at ipagbawal ang political dynasties ayon sa itatakda ng batas.

“Thirty-nine years. That is how long Congress has failed to enact the law required by the 1987 Constitution to prohibit political dynasties. Today the Supreme Court finally said: enough.” Bahagi ng mensahe ni Cardinal David.

Sinabi ni Cardinal David na sa unanimous decision ng Supreme Court, idineklara nitong may mandatory constitutional duty ang Kongreso na magpatupad ng anti-political dynasty law at inatasan itong kumilos nang may “utmost urgency” at ipasa ang batas sa lalong madaling panahon.

Para kay Cardinal David, mahalaga ang naturang desisyon dahil nananatiling laganap ang political dynasties sa bansa habang hindi pa naisasabatas ang malinaw na depinisyon at pagbabawal na hinihingi ng Konstitusyon.

“In a unanimous decision, the Court declared that Congress has a mandatory constitutional duty to enact an anti-political dynasty law, and that its prolonged failure to do so constitutes “grave abuse of discretion” and a continuing violation of its constitutional duty. The Court directed Congress to act “with utmost urgency” and enact the law “at the earliest opportunity.” Those are exceptionally strong words.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ng Obispo na mahalaga ang mga institusyong konstitusyonal sa paglalagay ng limitasyon sa paggamit ng kapangyarihan, kabilang ang kapangyarihan ng mga mambabatas na gumagawa ng batas.

“This is precisely why constitutional institutions exist—to place limits on power, including the power of those who make our laws.” Ayon pa kay Cardinal David.

Sa huli, nanawagan si Cardinal David sa Kongreso na tumugon sa naging desisyon ng Korte Suprema upang isulong ang tunay na demokrasya at patas na karapatan ng bawat isa na makapaglingkod ng tapat sa bayan.

“Thirty-nine years is long enough. Congress, the Supreme Court has spoken. Now enact the law.” Ani pa ni Cardinal David.

Ang naging pahayag ng Cardinal ay kasunod ng desisyon ng Supreme Court na nagsabing bagamat walang partikular na deadline na itinakda ang Konstitusyon para sa pagpasa ng naturang batas, ngunit hindi ito nangangahulugan na maaaring ipagpaliban nang walang hanggan ang pagtupad sa constitutional mandate na nasasaad sa Konstitusyon.

Sa bahagi ng Simbahan, ang usapin ng pamamahala ay may direktang kaugnayan sa kabutihang panlahat, pananagutan sa paggamit ng kapangyarihan, at pantay na pagkakataon ng mga mamamayan na makilahok sa paglilingkod-bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 44,656 total reads

 44,656 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 88,968 total reads

 88,968 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 125,967 total reads

 125,967 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 232,844 total reads

 232,844 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 275,392 total reads

 275,392 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top