Hindi dapat malunod sa legal technicalities ang impeachment trial kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,927 total reads

Dapat gawing simple at madaling maunawaan ng publiko ang proseso ng Impeachment at hindi ito gawing labis na teknikal na parang isang criminal case.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) former President Atty. Domingo Cayosa na mahalaga ang mga legal principles na inilahad ng mga dating Punong Mahistrado na sina Reynato Puno at Hilario Davide Jr. sa pagharap nila bilang amici curiae sa Senate Impeachment Court kaugnay ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Gayunman, sinabi nitong partikular na nakatulong ang presentasyon ni dating Chief Justice Artemio Panganiban dahil mas praktikal umano nitong naipaliwanag ang mga usaping kinakaharap ng impeachment court.

“Ang pinakapraktikal at pinaka-helpful ay ‘yung sinasabi ni dating Chief Justice Panganiban. Sapagkat maganda ‘yung kanyang presentation para mas madali at lalong maunawaan ng mga senador at ng ating mga kababayan.” Bahagi ng pahayag ni Cayosa sa Radyo Veritas.

Ayon kay Cayosa, hindi dapat malunod sa legal technicalities ang impeachment dahil pangunahing layunin nito ang pag-iimbestiga at pagpapanagot sa matataas na opisyal ng pamahalaan na maaaring hindi tumupad sa tungkulin, nag-abuso o nagkasala.

“Hindi ho naman ito ‘yung tungkol sa legal technicalities… dapat simplehan lang ng impeachment court.” Dagdag pa ni Cayosa.

Due process para sa magkabilang panig

Binigyang-diin din ni Cayosa ang kahalagahan ng due process sa paglilitis, hindi lamang para sa inaakusahan kundi maging para sa panig na nagsampa ng kaso.

Aniya, bahagi ng tungkulin ng impeachment court ang pakinggan at suriin ang ebidensya, testimonya at mga argumento bago magdesisyon.

“Ang due process, entitled din ho ‘yung nakakasuhan at ‘yung nagkaso.” Ayon pa kay Cayosa.

Paliwanag ni Cayosa bahagi ng prinsipyo sa isang impeachment trial na mahalagang personal na naroroon ang mga Senador na nakikinig sa paglilitis, nagsusuri ng ebidensya at nagtatanong upang magkaroon ng sapat na batayan sa kanilang magiging desisyon.

“Paano ka magde-decide kung hindi mo naman na-try? ‘Yung try ho, ‘yun ho ‘yung titingnan mo ‘yung ebidensya, suriin mo ‘yung mga testimonya, makinig ka, magtanong ka, mag-clarify ka.” Ani Cayosa.

Pantay na pagpapatupad ng batas

Kinuwestiyon din ni Cayosa ang tinatawag niyang special treatment para sa mga matataas na opisyal, at iginiit na dapat pantay ang pagpapatupad ng batas anuman ang katayuan ng isang tao.

Para kay Cayosa, mahalagang mapanatili ang prinsipyo ng rule of law sa proseso ng impeachment at maiwasan ang pagtingin na may ibang pamantayan para sa mga taong mataas ang posisyon.

“Maliit ka o malaki, may katungkulan o wala, patas ang pag-implement ng batas. Eh nasanay na kasi itong matataas na opisyal natin, pagdating sa kanila, para exempted sila palagi, special treatment. ‘Yun dapat hindi.” Ayon pa kay Cayosa.

Samantala, binigyang diin din ni Cayosa ang pananagutan sa katiwalian ay isa sa mahahalagang layunin ng impeachment.

“Dapat nga ho mas madali natin silang matanggal, ‘yung mga corrupt at abusadong mga opisyal ng gobyerno, lalong-lalo na ‘yung mga matataas, because with greater position comes greater responsibility.” Dagdag ni Cayosa.

Sa kasalukuyang impeachment trial, hinaharap ng Senate Impeachment Court ang usapin kung ilan ang kinakailangang boto para sa conviction.

Noong Setyembre 16, 2026 nagbigay ng magkakaibang legal na pananaw ang mga dating mahistrado na nagsilbing amici curiae kung saan sina Panganiban, Puno at Davide ay nagsabing maaaring magbago ang voting threshold depende sa kung sinu-sino ang legal na dapat isama sa bilang, habang iba ang naging posisyon ni dating Associate Justice Adolfo Azcuna.

Sa gitna ng usaping ito, binigyang-diin ni Cayosa ang kahalagahan ng due process, pantay na pagpapatupad ng batas at pananagutan ng mga lingkod-bayan, lalo na sa mga prosesong naglalayong tiyakin ang integridad ng pampublikong serbisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 9,454 total reads

 9,454 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 87,844 total reads

 87,844 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 132,155 total reads

 132,155 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 169,156 total reads

 169,156 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 275,972 total reads

 275,972 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top