Radyo Veritas, namahagi ng tulong sa mga binahang residente ng Meycuayan, Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,277 total reads

Tinugunan ng Radyo Veritas 846 ang pangangailangan ng mga residente ng Barangay Longos, Meycauayan, Bulacan na naapektuhan ng baha at masamang panahon nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Radyo Veritas 846 President Father Roy Bellen, bahagi ng ipinamahaging tulong ang pagtupad sa pangako ng himpilan sa komunidad kung saan matatagpuan ang bagong transmitter nito dahil ayon sa Pari nais ng Radyo Veritas na hindi lamang ang himpilan at mga tagapakinig nito ang makinabang sa kanilang presensya sa lugar, kundi maging ang mga mismong residente ng barangay.

Binigyang-diin niya na higit sa materyal na tulong, mahalagang maihatid sa mga benepisyaryo ang pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.

“Kaya bukod po sa mga materyal na tulong, ’yun pong tulong ng pananampalataya at pag-asa ang atin pong hatid para po sa ating mga kababayan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Bellen.

Samantala, pinasalamatan ni Barangay Longos Captain Arnel Gutierrez ang Radyo Veritas at si Father Bellen sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga residente tuwing may kalamidad.

Ayon sa opisyal, ipinamahaging tulong ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng baha. Binanggit din niya na bago pa man maitayo ang transmitter ng Radyo Veritas sa lugar ay nangako na ang himpilan na tutulong sa komunidad sa panahon ng kalamidad.

“Maraming-maraming salamat po kay Father Bellen na kung natatandaan po ninyo nung araw, bago pa lang ito ginagawa eh nakapangako po sila na ’pag merong ganitong kalamidad eh tutulong daw po sila,” ayon naman sa Panayam ng Radyo Veritas kay Gutierrez.

Lubos naman ang pasasalamat ni Zenaida Bergania, pangulo ng FISCAP Senior Citizens ng Meycauayan, sa Radyo Veritas para sa tulong na ipinagkaloob sa mga senior citizen at iba pang residente ng Barangay Longos.

Ayon kay Bergania, malaking bagay ang natanggap nilang ayuda matapos ang mga naranasang epekto ng mga nagdaang bagyo at habagat, Kabilang sa mga benepisyaryo ng isinagawang pamamahagi ang mga residente ng Barangay Longos.

“Ah sa dinanas po namin nung nakaraang bagyo’t habagat, malaking bagay po ito na ipinagkaloob sa amin,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Bergania.

Patuloy na isinusulong ng Radyo Veritas 846 ang pagtulong sa mga komunidad na nangangailangan, kasabay ng paghahatid ng mensahe ng pananampalataya at pag-asa sa mga pamilyang dumaranas ng pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 35,735 total reads

 35,735 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 121,586 total reads

 121,586 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 168,324 total reads

 168,324 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 216,196 total reads

 216,196 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 318,469 total reads

 318,469 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top