Natatanging personalidad, programa at organisasyon, kinilala sa USTV Media excellence award.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,889 total reads

Binigyan-diin ng University of Santo Tomas (UST) Office for Student Affairs ang kahalagahan ng pagtataguyod ng katotohanan at responsableng pamamahayag sa gitna ng patuloy na paglawak ng mga plataporma ng media.

Ayon kay Asst. Prof. Jaezamie Ong, Director ng UST Office for Student Affairs, muling ibinalik ngayong 2026 ang USTV+ Media Excellence Awards upang kilalanin hindi lamang ang mga television network kundi pati mga media organization, content creator, at digital platforms.

Binigyang-diin ni Ong na sa panahon ng mas mabilis na pagkalat ng impormasyon at fake news, malaking hamon sa media ang pagsasabi ng katotohanan, habang ang “Veritas,” na nangangahulugang katotohanan, ay hindi lamang motto ng UST kundi bahagi ng misyon nito.

Iginiit naman ng veteran GMA Network news anchor at i-Juander host na si Susan Enriquez ang kahalagahan ng patuloy na paglalahad ng mga kuwento tungkol sa kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Pilipinas sa gitna ng pag-usbong ng digital age.

Ito ang mensahe ni Enriquez matapos tanggapin ng i-Juander ang USTV+ Media Excellence Award in Education – Program, na siyang magsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang paghahatid ng mga kuwentong nagpapahalaga sa pagkakakilanlan at pamana ng mga Pilipino.

Pinarangalan sa USTV+ Media Excellence Awards ang veteran comedienne na si Eugene Domingo bilang recipient ng Media Excellence Award in Entertainment and Popular Culture for Comedy – Individual Category.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Domingo sa USTV+ at sa media industry sa pagkilalang kanyang natanggap, at nangakong lalo pang pagbubutihan ang trabaho.

Ginawaran naman ng USTV+ Special Citation for Excellence in Media and Television Storytelling ang veteran actor at action star na si Coco Martin kung saan ibinahagi ng aktor ang kagalakan at pagkagulat matapos igawad ang parangal.
Binigyang-diin ni Martin ang pagsisikap ng buong production team sa pagbuo ng kanilang programa, habang pinasalamatan din niya ang Institusyon at mga namumuno rito sa patuloy na suporta sa kanilang mga proyekto.

Ang USTV Awards ay ang pagkilala ng UST na nakatuon sa mga natatanging personalidad, programa, at organisasyon sa larangan ng telebisyon na bagamat may isang dekadang nahinto ay muling ibinalik ngayong 2026 bilang USTV+ Media Excellence Awards, na pinalawak ang pagkilala sa iba’t ibang anyo ng media kabilang ang digital, streaming, at multimedia platforms.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 44,167 total reads

 44,167 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 129,531 total reads

 129,531 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 176,268 total reads

 176,268 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 224,140 total reads

 224,140 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,059 total reads

 326,059 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top