Gawing sagrado ang paggunita sa UNDAS 2026, panawagan ng Pari sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,470 total reads

Hinimok ni Father Joel Saballa, kura paroko ng St. Joseph the Worker Parish sa Tala, North Caloocan, Diocese of Novaliches, ang mga Pilipino na panatilihing taimtim, payapa at sagrado ang paggunita sa Undas ngayong 2026.

Pinaalalahanan ng pari ang mga mananampalataya na iwasan ang maiingay na gawain, pag-inom ng alak at pag-aalay ng pagkain sa mga puntod, dahil higit na nangangailangan ng ‘panalangin’ ang mga yumaong mahal sa buhay.

Iginiit ng Pari na hindi dapat maging simpleng reunion o pagtitipon lamang ang pagdalaw sa sementeryo, kundi pagkakataon upang magnilay, manalangin at alalahanin ang mga yumao nang may paggalang.

Hinimok ni Fr.Saballa ang mananampalataya na pangalagaan ang alaala ng mga mahal sa buhay na yumao.

“At ang aking munting mensahe, paalala na sana po ay gamitin natin ang pagkakataong ito para magnilay, iwasan ang mga ingay sa sementeryo, iwasan ang mga ggarbong alisin ang mga ggarbong maling practices, ‘yung pag-aalay ng mga pagkain, ang kailangan nung ating mga yumao ay hindi pagkain, ang kailangan nila ay panalangin. Kaya’t sana po ay mag-sikap tayong gawing solemn ang pagdalaw at gawin hindi lang siya gawing sang-reunion, iwasan ang alak, iwasan ang mga hindi kaaya-aya na gawain sa loob ng sementeryo, mga columbaryo, manatilihin itong payapa, panatilihin natin ‘yung environment na nananalangin at pagsisikapan natin na maipaalaala sa bawat isa na tayo ay buhay na Ebanghelyo, buhay na katekismo na naghihikayat upang tayo ay maging mabuting Kristiyano, mahalin at patuloy na pangalagaan ang alaala ng ating mga mahal sa buhay na yumao,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Saballa.

Naunang nanawagan si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na igalang ang integridad ng mga labi ng yumao at iwasang kumuha ng bahagi ng abo ng mga cremated na mahal sa buhay upang gawing alahas o personal na alaala.
Sa halip, hinikayat ng Simbahan ang mga pamilya na palakasin ang sama-samang pananalangin at pagdalo sa Banal na Misa bilang pagpapahayag ng pananampalataya at pagmamahal sa mga pumanaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 55,333 total reads

 55,333 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 93,816 total reads

 93,816 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 127,944 total reads

 127,944 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 184,350 total reads

 184,350 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top