1,342 total reads
Itatampok ng Kapanalig na himpilan Radyo Veritas 846 – ang Radyo ng Simbahan ang natatanging programa para sa All Saints’ at All Souls’ Day o Undas sa November 01 at November 02 na may titulong “Dalangin at Alaala 2026: Kapanalig ng Yumaong Banal”.
Ilang kilalang exorcist priests mula sa iba’t-ibang Diyosesis at Bikaryato sa buong Pilipinas ang magbabahagi ng special reflection para sa mga paksa ngayong Undas 2026, alinsunod sa temang “Katesismo ng Exorcist Priests live sa Veritas para sa alaala at paalala sa Undas”.
Sa November 01, araw ng Linggo, tatalakayin ni Apostolic Vicariate of San Jose sa Occidental Mindoro Father Silvino Enriquez ang “doktrina hinggil sa exorcism: totoo bang nakakaakit ng masamang Espiritu ang padugo?” sa alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.
Alas-11 hanggang alas-dose ng tanghali naman ay magbabahagi ng katesismo si Archdiocese of Manila Exorcist Father Jocis Syquia tungkol sa Exorcism and Spiritual Warfare.
Espesyal na misa para sa mga yumao naman ang mapapakinggan at mapapanood sa Veritas sa alas-12 ng tanghali mula kay Fr. Anton CT Pascual, live sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
Sa alas-2 ng hapon naman ay ibabahagi ni Cabanatuan Exorcist Father Jojo Mallari ang paksang “Huwag matakot sa pamahiin, manalig kay Kristo”.
Bilang espesyal na handog naman ng programang “Kristo Liwanag sa Dilim” sa alas-3 hanggang alas-5 ng hapon ay live na mapapakinggan si Fr. Bobby dela Cruz upang bigyang-diin ang mga pang-aabuso at pagkakamali labang sa paggalang sa araw ng Undas.
Habang mapakikinggan naman sa alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi si Fr. Mon Merino ng Archdiocese of Manila upang talakayin ang paksang Saints and Spiritual Warfare.
Samantala, sa araw ng mga yumao November 02 naman ay bibigyang-daan din sa himpilan ang mga pagninilay ng mga pari sa pangunguna ni Fr. Nonette Legazpi ng Diocese of Novaliches sa alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa paksang “On occultism at paniniwala sa pamahiin”.
Susundan naman ito ng pagninilay ni Fr. Syquia sa “The Four Openings to the Diabolical” sa alas-8 hanggang alas-9 ng umaga.
Mapapakinggan at mapapanood din live si Diocese of Pasig Exorcist Priest, at Kristo, Liwanag sa Dilim anchor Father Daniel Estacio sa alas-9 hanggang alas-10 ng umaga sa paksang “Totoo bang may mga kaluluwang nangangambala, kaluluwang ligaw, o mayroong unfinished business?”
Magbibigay rin ng pagninilay sa ala-1 hanggang alas-2 ng hapon si Fr. John Harvey Bagos ng Diocese of Novaliches sa paksang “Call to Holiness and Youth”, na susundan naman ni Fr. Eugene David ng Archdiocese of Manila na ibabahagi naman ang kanyang pagninilay sa turo ng Simbahan sa suicide at konsepto ng kabilang buhay.
Muli namang mapapakinggan si Fr. Syquia sa alas-5 hanggang alas-6 ng gabi upang talakayin ang paksang “Our Lady and the Final Battle”.
Liban sa radyo 846 khz AM band, maari ring matunghayan ang mga programa sa Facebook page DZRV 846, YouTube Veritas PH Livestream, Sky Cable Channel 211, Cignal Cable Channel 313 at E-Radio Portal. Gayundin sa website www.veritasph.net
Samantala, bukas din ang himpilan sa mga nais dumalo sa mga Healing Mass sa Veritas sa alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, alas-12 ng hatinggabi. Inaanyayahan din ng Religious Department ng himpilan ang mga nais mag-alay ng panalangin at pamisa para sa mga kaluluwa ay tumawag sa numero bilang 8925-7931 hanggang 39 local 129, 131, at 137 o sa cellphone number 0917-631-4589. www.veritasph.net
– KENNETH CORBILLA, MARIAN NAVALES- PULGO




