PBBM, itinalaga si Justice Zalameda bilang susunod na punong mahistrado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,158 total reads

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil V. Zalameda bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano, hahalili si Zalameda kay Chief Justice Alexander Gesmundo na magreretiro bukas, Nobyembre 6.

Si Zalameda ay mahigit tatlong dekada nang naglilingkod sa sangay ng hudikatura. Naging opisyal ng korte at piskal bago nagsilbi bilang mahistrado ng Court of Appeals.

Taong 2019 nang itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang associate justice ng Korte Suprema, kahalili ng nagretirong si Justice Mariano Del Castillo.

Ayon kay Cayetano, kinilala ng Pangulo ang malawak na karanasan ni Zalameda sa iba’t ibang antas ng hudikatura at ang kahalagahan ng matatag na pamumuno upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng katarungan.

Inaasahan ng Pangulo na gagampanan ni Zalameda ang tungkulin bilang punong mahistrado nang may integridad, pagiging patas at matibay na paninindigan sa batas.

Nagpasalamat din ang Malacañang kay Gesmundo sa kanyang paglilingkod sa hudikatura at sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 82,012 total reads

 82,012 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 127,655 total reads

 127,655 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 177,408 total reads

 177,408 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 336,608 total reads

 336,608 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 359,955 total reads

 359,955 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top