United Nation member countries, pinasalamatan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Nagpapasalamat sa United Nation member countries ang Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagpapakita ng malasakit sa karapatan ng mga Filipino kaugnay ng panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ang war on drugs.

Iminungkahi rin ng 45 bansa na kasapi ng UN sa administrasyong Duterte na imbestigahan ang mga pagpaslang sa kampanya kontra iligal na droga maging ito ay sa police operations o summary killings.

Ipinagdarasal ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na mag-alab sa puso ng mga Pilipino ang tunay na pagpapahalaga sa buhay at bigyan ng pag-asa ang mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng bansang nakiisa sa Pilipinas, mga kababayan at simbahan na talagang nagnananais na mahinto na ang pagpaslang sa ating bansa. Sana madama natin ang pagmamahal at malasakit ng mga bansang ito. Ito sana ang mag alab sa ating puso, ang tunay na malasakit mahalaga po ang buhay, mahalaga na ingatan natin ito. Kahit ang buhay ng mga drug addicts, mahalagang matulungan natin silang makarecover, sa kinalalagyan nila kung magtutulong-tulong tayo mas marami tayong magagawa. Huwag nating tapusin ang pag-asa ng mga taong ito,” pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag rin ng Obispo na patuloy ang kanilang diocese sa pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga counselors para sa community based rehabilitation center katuwang ang local na pamahalaan at ang Philippine National Police.

Sa inilabas na tala ng Philippine National Police, mula Hulyo hanggang Enero ng kasalukuyang taon, mahigit sa 40 libo ang isinagawang police operation na nagresulta sa pagkakapaslang ng humigit-kumulang sa dalawang libong drug personalities habang umaabot naman sa 40 libo katao ang nadakip.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 17,763 total reads

 17,763 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 56,850 total reads

 56,850 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 92,150 total reads

 92,150 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 318,419 total reads

 318,419 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 210,724 total reads

 210,724 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 8,252 total reads

 8,252 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top