Pagpapanagot sa mining company na kumalbo sa Brooke’s Point, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Ikinalungkot ng bagong talagang Obispo ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ang pagputol sa century old trees sa Brooke’s Point, Palawan. Ayon kay Bishop Socrates Mesiona, itinuturing na last frontier ng Pilipinas ang Palawan kaya mahalagang mapangalagaan at mapreserba ang likas na yaman sa lalawigan.

Iginiit ni Bishop Mesiona na maraming lokal na residente ang umaasa sa mga pinutol na puno sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay dahil ang lugar ay nagsisilbing watershed ng Brooke’s Point.

“Isang malungkot na pangyayari kasi last frontier itong Palawan kaya sana mapangalagaan yung kalikasan, yung mga punong kahoy na century old na,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas
Samantala, pinuri ni Bishop Mesiona ang naging tugon ng mamamayan sa walang habas na pamumutol ng puno mining company na Ipilan Nickel Corporation na affiliate company ng Global Ferronickel Holdings Incorporated.

Ayon sa Obispo, maganda ang ipinakikitang pagkakaisa ng mamamayan at lokal na pamahalaan kasama na ang Simbahan sa Palawan upang ipaglaban ang pangangalaga sa kalikasan.

“Mabuti naman at ang mga tao talaga mismo ang lumalaban kasi na realize din nila na talagang mahalaga yun [kalikasan]. Ang instruction ko sa aming Social Action Director ay let’s do whatever we can, para matulungan ang mga tao kasi nakikita natin yung initiative talaga galing sa tao,” dagdag pa ng Obispo.

Sa pagsisiyasat ng lokal na pamahalaan sa Brooke’s Point, tinatayang 15,000 mga puno na nakasasakop ng 10-hektaryang natural forest ang kinalbo ng Ipilan Nickel Corporation kabilang na ang mga century old trees sa kabila ng kanseladong Environmental Clearance Certificate ng kumpanya.

Sa kasalukuyan, naghahanda na ang mga residente ng Brooke’s Point at ang lokal na pamahalaan nito upang papanagutin ang kumpanya ng minahan sa sumira sa kanilang kagubatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 54,718 total reads

 54,718 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 93,306 total reads

 93,306 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 127,434 total reads

 127,434 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 183,840 total reads

 183,840 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 17,641 total reads

 17,641 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 47,315 total reads

 47,315 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 40,173 total reads

 40,173 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top