Private schools, magsasara sa libreng tuition fee sa public schools

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 434 total views

Nanindigan si Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) at Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) legal counsel Atty. Joseph Noel Estrada na ang libreng edukasyon ay hindi lang para sa mga mahihirap na kabataan sa mga pampublikong kolehiyo.

Nanawagan si Estrada sa pamahalaan na piliing mabuti ang magiging benepisyaryo ng House Bill 5633 o panukalang magbibigay ng libreng tuition fee sa mga estudyante sa State Univeristies and Colleges (SUC’s) at technical vocation schools.

Ayon kay Estrada, marami ding mahihirap na mag-aaral sa mga pribadong paaralan na nangangailangan ng tulong pinansiyal.

“In reality, mayroong mahihirap na nasa private school at mayroon din namang may kaya na naka-enroll sa SUC. Hanapin sana natin yung mga nangangailangan at bigyan ng subsidy ng gobyerno whether siya ay nasa SUC’s or nasa private school. Huwag sana limitahan lang ang tulong sa mga estudyante sa public schools,” pahayag ni Estrada sa Radio Veritas.

Nakasaad sa panukalang batas na bukod sa tuition fee ay sasagutin din ng gobyerno ang iba pang bayarin ng mga kwalipikadong mag-aaral at ang pagkakaroon ng Student Loan Program kung saan makakahiram ng pera ang mga estudyante mula sa pamahalaan.

Kaugnay nito, nababahala si Estrada dahil maaaring magdala ng malaking kalbaryo para sa mga pribadong paaralan ang House Bill 5633.

Katulad ng ibang mga panukala may mga risks involved. Magbibigay ng libreng edukasyon sa SUC’s baka ito ay magtrigger ng massive transfer papunta sa public. Kapag nangyari po iyon ay hindi kakayanin ng mga existing SUC’s yung pagdagsa ng estudyante sa kanila kaya ang mangyayari po imbes na maging affordable, mas lalong magiging magastos para sa gobyerno at maraming magsasara na private schools,”paglilinaw ni Estrada.

Pasado na sa huli at ikatlong pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala na nakakuha ng pagsang-ayon mula sa 221 mambabatas at inaasahang isasalang sa congressional bicameral conference upang isanib sa Unified Student Financial Assistance System na una nang naisabatas sa ilalim ng administrasyong Aquino noong 2015.

Sa tala, 55-porsiyento ng mga estudyante sa kolehiyo ay nag-aaral sa pribadong paaralan. Patuloy naman ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na bigyan ng pagpapahalaga ang edukasyon sapagkat ito ay mabisang sandata sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,464 total views

 54,464 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,333 total views

 50,333 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,535 total views

 86,535 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,010 total views

 95,010 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,778 total views

 119,778 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,783 total views

 80,783 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,948 total views

 270,948 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top