Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ECC ng Ipilan Nickel, kanselahin na

SHARE THE TRUTH

 261 total views

Hinamon ni Atty. Grizelda Mayo-Anda, executive director ng Environmental Legal Assistance Center ang Department of Environment and Natural Resources na kanselahin na ang Environmental Compliance Certificate ng Ipilan Nickel Corporation na pumutol sa mahigit 15,000 punongkahoy kabilang na ang mga century old trees sa Brooke’s Point, Palawan.

Iginiit ni Anda sa DENR na bilisan ang pagpapataw ng parusa sa mining company na nagmasaker sa mga century old trees na bahagi ng Mt. Calingaan Protected Landscape.

Ayon kay Anda, dapat ipatupad ng DENR ang green economy sa Palawan na makakatulong sa pag-unlad ng mga katutubo sa halip na paboran ang mga mining companies na sumisira sa kabuhayan at kalikasan.

“Ang tingin namin ay talagang dapat mapakansela ang ECC. Dapat ang uri ng kaunlaran diyan ay yung makakatulong sa mga katutubo, sa mga magsasaka. Unang una kailangan mapagpatuloy yung pangangalaga ng kanilang tubig kanlungan, watershed, so to do that, irrigate the farm, at bahagi yan ng Mt. Mancalingaan protected landscape,” pahayag ni Anda sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, tiniyak naman ni Anda na nakahanda ang kanilang grupo na magbigay ng legal assistance sa inihahandang reklamo ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point laban sa Ipilan Nickel Corporation.

“Yung bahagi ng sinasakop ng mga Mineral Agreements na to ay bahagi ng protected area, so kami tinutulungan namin at sinusuportahan ang ginagawa ng lokal na pamahalaan na mapahinto yan, at pati na yung legal na hakbang, so our team the Environmental Legal Assistance Center will continue [give] legal support,” dagdag pa ni Anda.

Nauna rito, kinondena ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pamumutol ng Ipilan sa mga punongkahoy na nagsisilbing watershed at nagdudulot ng kabuhayan sa mga katutubo.

See: http://www.veritas846.ph/pagpapanagot-sa-mining-company-na-kumalbo-sa-brookes-point-suportado-ng-simbahan/

Sa pagsisiyasat ng Environmental Legal Assistance Center, ang mga punong pinutol sa Maasin Brooke’s Point ay may edad na 30 hanggang 70 taon, at ang halos 10-hektaryang natural Forest na kinalbo ng Mining Company ay nakapaloob sa Watershed ng lugar.

Magugunitang binigyang diin ng kanyang Kabanalan Francisco na ang pagpapahalaga sa negosyo o ang capitalismo ay isa ring uri ng terorismo at pagkitil sa buhay ng mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,624 total views

 47,624 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,712 total views

 63,712 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 101,100 total views

 101,100 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 112,051 total views

 112,051 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 162,959 total views

 162,959 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 106,805 total views

 106,805 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top