Tax reform program, pandaraya sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Pandaraya sa taumbayan ang panukalang tax reform program.

Ito ang binigyang-diin ni Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) Founding board Member Sr. Emelina Villegas, ICM.

Ayon kay Sr. Villegas, anti-poor at mapanlinlang ang programa na nais ipatupad ng pamahalaan dahil tanging mayayaman lamang ang makikinabang dito habang mahihirap na mamamayan naman ang talo.

Kung papaboran ng Senado ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill o House Bill 5636, ang isang empleyado na kumikita ng mas mababa sa 250-libong piso kada taon ay hindi na kakailanganin pang magbayad ng income tax subalit tataasan naman ang buwis sa mga produktong petrolyo at sweetened beverages tulad ng softdrinks, kape at energy drinks.

“Ang tinatawag nating progressive tax reform, natutulungan talaga yung majority of the people. Hindi mo nga sila ita-tax sa suweldo nila pero mataas naman ang tax sa kinakain nila sa araw-araw, walang kuwenta iyon. That’s what you call hidden tax. In a way, it is cheating the people,” pahayag ni Sr. Villegas.

Sinasabing ang salaping kikitain sa tax reform program ang siyang susuporta sa pagsasakatuparan ng 8-trilyong pisong infrastructure project ng kasakuluyang administrasyon na magbibigay aniya ng libu-libong trabaho sa mga Filipino.

“Magkakaroon nga ng trabaho pero minimal ang effect niyan sa mga tao pero hindi nila magagamit ang mga infrastructure na yan kasi wala silang sasakyan, wala silang business. It will give them jobs but it will not increase their income in a way. Yung mga infrastructure na iyan, maganda yan, nakakabilib pero it will not give them more [benefits],” dagdag ng madre.

Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan noong Hunyo ang House Bill 5636.

Nauna rito, tinawag ng IBON Foundation na diversionary tactics lamang ang tax reform program ng administrasyong Duterte.

Read:
Tax reform program ng administrasyong Duterte, tinawag na diversionary tactics

Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, mahalagang isaalang-alang ang kabutihang pangkalahatan sa anumang reporma na gagawin ng pamahalaan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,511 total reads

 27,511 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 51,711 total reads

 51,711 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 90,613 total reads

 90,613 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,741 total reads

 124,741 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 181,147 total reads

 181,147 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 320,649 total reads

 320,649 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 426,734 total reads

 426,734 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top