Wakasan na ang “bloodlust” ng pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total views

Ito ang panawagan ng mga advocate at pamilyang apektado ng madugong “war on drugs” ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Father Gilbert Billena, spokesperson ng “Rise Up for Life and for Rights” na napakasakit sa isang pamilya na mawalan ng isang miyembro sa brutal na “Operation Double Barrel/Tokhang” ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Father Billena, sa tulong ng mga advocates ay dumarami na ang mga naninindigan para kondenahin ang madugong “war on drugs” ng Pangulong Duterte sa kabila ng pagbulag-bulagan, pagbalewala at takot ng maraming Pilipino na maging biktima rin ng extra-judicial killings.

“Families affected by drug-related killings and advocates sound alarm of new deluge of the bloody “war on drugs”. They know all-to-well the terror of Duterte’s drug war. Having lost loved ones to Operation Double Barrel/Tokhang, their feelings are still raw and painful. Still many are rising up to become advocates themselves to denounce Duterte’s bloody “war on drugs. Even if many Filipinos have turned a blind eye and cold-heartedly ignored their plight, these families are plodding on with the help of advocates to find their footing and organize amongst themselves to take on this war on drugs”, mensahe ng Rise up for Life and for Rights.

Binigyan diin ni Father Billena na malinaw ang mensahe ng mga pamilyang apektado ng EJK na ang pangulong Duterte ay nagdeklara ng giyera sa kanyang mamamayan.

“Their message is clear: Duterte is waging war against his own people.” pahayag ng pari.

Inihayag ni Father Billena na ang pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug users at pushers lalo na sa 17-taong gulang na si Kian Lloyd Delos Santos ay “barbaric”.

Tinagurian ng pari na walang konsensiya ang mga pulis na sangkot sa “killing spree” sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila kung saan 59 ang napatay sa dalawang araw na operasyon.

“The killing of seventeen year-old Kian Lloyd Delos Santos is appalling. According to testimony of family and witnesses, this boy was handed a gun and ordered to run! We do not believe any supposed evidence by police—their pattern is already well established. They have no conscience and will plant evidence on anyone. This situation is flatly barbaric.

Pinuna din ni Father Billena ang kawalang interes ng Pangulong Duterte na tugunan ang problema ng mga mahihirap sa halip ay parang ikinatutuwa pa nito ang patayang nagaganap.

Even Duterte has said that he won’t finish this war during his term. He flaunts false patriotism, where ‘saving the future’ is nothing more than brute destruction rained upon one’s own citizens. He has always been ruthless in talking about drug users and small-time pushers. We have seen that when it comes to poor he has no intention to address—he simply seems to wants (and even enjoys) to kill, kill, kill! And the actions and behavior of the police are beyond reason. As they seek to comply with the bloodlust of President Duterte, they are devoid of any moral compass and ravage families and communities”, pahayag ng tagapagsalita ng Rise Up.

Tinukoy din ng tagapagsalita ng Rise Up ang umiiral na “martial law” sa mga mahihirap na komunidad sa Metro Manila kung saan walang due process.

“There may be martial law in Mindanao, but we have had martial rule in poor communities through Duterte’s War on Drugs since his first day in office. People have been killed every day at the whim of state forces under Operation Double Barrel/Tokhang. There is no due process. They just keep gunning people down on the street. This week the gates of HELL ON EARTH have opened wide—every day has been slaughter and massacre. The streets run with blood and the orphans and parents robbed of their children are wailing.

KAILAN MATATAUHAN ANG MGA FILIPINO?

Isn’t it time for more to be shaken awake to denounce this rotten “war on drugs?
SUGPUIN ANG DRUG-LORDS,SUPPLIERS,PRODUCERS at NARCO-POLITICIANS!

Bigyan ang mga maralita ng livelihood programs, social services at i-rehabilitate ang mga drug dependent sa halip na patayin.

”We want an end to the proliferation of drugs. Duterte has chosen a wrong approach. The supply of drugs through drug-lords, suppliers, producers and narco-politicians must be dismantled; this is what ails us. The poor need and deserve livelihood programs and social services, including rehabilitation for those dependent on drug-use. We must address the roots of what makes for the proliferation of the illegal drug trade and not just give the police a license to kill.”

Nabatid na 24 na drug suspects ang napatay ng mga otoridad sa CAMANAVA area anti-drug war noong ika-16 ng Agosto 2017, habang 34-naman ang nasawi sa Oplan-Sita ng PNP sa lungsod ng Maynila nitong August 17, 2017.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 5,237 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 5,341 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 63,117 total views

 63,117 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 133,622 total views

 133,622 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 164,904 total views

 164,904 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 196,919 total views

 196,919 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 345,884 total views

 345,884 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top