Mamamayan, hinimok na manindigan laban sa death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Umaasa ang Pro-Life Philippines Foundation na maliliwanagan ang mga mamamayang Filipino sa masamang epekto ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay Rita Linda Dayrit – President ng Pro-Life Philippines Foundation, ang pagbabalik ng Death Penalty sa bansa ay magsusulong lamang ng karahasan sa kasalukuyang modernong panahon na taliwas sa pag-unlad na matamasa ng bansa.

Giit ni Dayrit, napapanahon na upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang bawat mamamayan sa kahalagahan ng karapatang pantao at pagbibigay ng dignidad sa bawat nilalang.

“Sana po ma-recall ng ating mga kapanalig na itong Death Penalty is actually regression eh, re-progression towards barbaric violence na sana ngayong modern time mas habang nagiging modern ang ating society nagiging deeper ang understanding natin dun sa human rights at dignity na tayo ay hindi mga hayop…” pahayag Dayrit sa panayam sa Radyo Veritas.

Una nang nagpahayag ng mariing paninindigan ang mga human rights at pro-life advocates kasama ang Simbahang Katolika laban sa isinusulong na pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa na inaasahang sisimulan na ring dinggin sa Senado matapos na makapasa sa Kongreso.

Matatandaang noong nakalipas na taon sa botong 217 na Yes, 54 na No at isang nag-abstain ay tuluyan ng nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4727 o Death Penalty Bill na panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Dahil dito, nananawagan ang Simbahang Katolika sa publiko upang bantayan ang mga Senador sapagkat bilang mga Katoliko ay nararapat na itaguyod at panindigan ng bawat isa ang dignidad at kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,777 total reads

 46,777 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,280 total reads

 133,280 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,317 total reads

 176,317 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,075 total reads

 226,075 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,215 total reads

 385,215 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top