Bagong Philippine Ambassador to the Holy See, umaapela ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Umapela ng panalangin ang bagong talagang Philippine Ambassador to the Holy See na si Grace “Nanay Amba” Relucio-Princesa para sa positibong tugon ng Commission on Appointment sa pagtatalaga sa kanya bilang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Roma.

Kaugnay nito, nagpaabot rin ng pasasalamat si Ambassador Prinsesa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagtalaga sa kanya sa naturang posisyon.

“Ipagdasal po natin ang smooth confirmation sa Commission on Appointment and then ang agreement po ng Vatican. Malaking step na po ito, salamat kay Pres. Duterte for nominating me.” pahayag ni Relucio-Princesa sa panayam sa Radyo Veritas.

Bukod dito, naniniwala rin si Ambassador Prinsesa na siya ay inihanda ng Panginoon para sa kanyang pagganap sa posisyon bilang Philippine Ambassador to the Holy See sa pamamagitan ng kanyang pagiging lantad sa iba’t ibang mga usapin tulad ng migration, Human Trafficking, Climate Change at pagharap sa media.

Pagbabahagi pa ni Ambassador Prinsesa, malaki ang maitutulong ng kanyang karanasan sa pagiging Ambassador of the Republic of the Philippines to the United Arab Emirates at pagiging malapit sa Simbahan upang mas maging epektibo sa kanyang panibagong posisyon.

“Actually po, sa tingin ko hinanda lang ako ni Lord sa mga issues na issue din po ng Vatican, issue din ng Pilipinas which is migration and trafficking. God allowed me to the masteral immigration parang ako pa lang ata yung ambassador na tinest ni Lord na may masterado sa media and then climate change po dahil tayo ay impacted ng disaster and coincidentally po ako taga Ligao, Albay I grew up with typhoons and Mayon. Interface issues, yun po ang talagang parang hinanda ako ni Lord para lalaliman ko po ang ating pananampalataya…” ayon pa ni Ambassador Prinsesa.

Samantala, tiniyak naman ni Ambassador Prinsesa na alay niya sa Panginoon at sa bayan ang makatulong sa pamamagitan ng kanyang bagong posisyon bilang kinatawan ng bansa sa Vatican.

Si Prinsesa ay nagtapos ng Foreign Service in University of the Philippines at 20-taon sa Philippine Diplomatic Service bago naging Assistant Secretary of Foreign Affairs Department’s Legislative Liaison Unit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,771 total reads

 46,771 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,274 total reads

 133,274 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,311 total reads

 176,311 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,069 total reads

 226,069 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,209 total reads

 385,209 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top