Diocese ng Legazpi, patuloy na nakaagapay sa Mayon evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Kinumpirma ng Social Action Center ng Diocese of Legaspi, Albay ang pagbaba ng bilang ng mga evacuees sa iba’t-ibang evacuation centers sa lalawigan.

Ayon kay Rev. Fr. Rex Paul Arjona, Social Action Director ng diyosesis, mula sa dating higit 84,500 na mga evacuees noong nakaraang linggo ay bumaba na ito sa 63,642 batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Gayunman, tiniyak ng Pari ang patuloy na pagsasagawa ng relief operations ng diyosesis partikular na ang pag-agapay sa mga katuwang nitong Church groups, networks at iba pang mga diyosesis na makapagpaabot ng tulong sa mga evacuees na patuloy pa rin ang mga pangangailangan.

Pagbabahagi ni Fr. Arjona, isa sa mga ginagawa ng Social Action Center ng Diocese of Legazpi ay ang pagtukoy sa mga evacuation centers na lubos na nangangailangan ng suporta at tulong dahil sa mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbalik ng mga residente sa itinakdang danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon.

Inihayag rin ng Pari ang patuloy na pagbabantay at pag-antabay ng diyosesis sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) partikular na ang pagbababa ng Alert Level mula Alert Level 4 pababa ng Alert Level 3 na nangangahulugan ng paghupa ng aktibidad ng bulkan.

Una nang umapela ang Diocese of Legazpi, Albay ng spiritual intervention upang ipanalangin ng bawat isa ang kapakanan ng mga mamamayan sa lalawigan mula sa maaring panganib na maidulot ng ganap na pagsabog ng bulkang Mayon.

Nanawagan din ang Diocese ng Legazpi nang tulong para sa mga evacuees.

Read: Diocese of Legazpi, muling nanawagan ng tulong at dasal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,222 total reads

 60,222 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,718 total reads

 146,718 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 189,755 total reads

 189,755 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,514 total reads

 239,514 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 397,807 total reads

 397,807 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top