Pilgrim relic ni St.Therese of the Child Jesus, bibisita sa Veritas Chapel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total reads

Makinig sa pamamagitan ng ating puso para mapakinggan ang nais sabihin sa atin ng Panginoon.

Ito ang pagninilay ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa welcome mass sa pagdalaw ni St. Therese of the Child Jesus sa San Roque Cathedral.

“Ang panalangin ay pakikinig. When you pray manahimik tayo. Bakit kailangang manahimik kapag nananalangin. Kasi ang panalangin ay pakikinig! At ang pakikinig na sinasabi ko ay hindi sa tenga kundi sa puso sa kaluluwa. Pagbubukas ng kalooban sa Diyos na ibig mangusap sa atin.” paalala ni Bishop David

Sinabi ng Obispo na ang bawat isa ay dapat na pakinggan ang tinig ng Diyos at matutong magnilay sa mga pangyayari sa kanyang buhay para sa paggabay ng ating Panginoon.

“Hindi ang tayo ang may sasabihin sa Diyos, kundi ang Diyos may sasabihin sa atin. Ang mas mahalaga At matuto tayong magbukas loob at makinig sa kanya. Huwag magpalinlang, ang isang tunay na prayerful person ay natututong makinig. Kilala niya ang Diyos ang tinig Niya hindi siya magpapalinlang sa masamang espiritu. Iyan ang naranasan ni Ate Tere (St. Therese) nang siya ay pumasok sa monasteryo.” pahayag ni Bishop David

Ito na ang ika-apat na ulit na pagbisita ng pilgrim relic ni St. Therese sa Pilipinas na nagsimula noong 2000.

Ang relikya ay dumating noong Enero kung saan pinamunuan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang pagdiriwang ng misa sa National Shrine of St. Therese sa Pasay.

Mananatili ang relikya sa bansa hanggang sa ika-31 ng Mayo at dadalaw sa may higit 40 diyosesis at Arkidiyosesis sa bansa.

February 14-Ash Wednesday, bibisita ang pilgrim relic sa Veritas Chapel alas-9 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon.

Una na ring hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na nawa ay makasumpong ang bawat isa ng inspirasyon para tularan ang pagpapakumbaba ni St. Therese at ang pagganap sa mga gawain ng buong pagmamahal at dalisay.

Si St. Therese ay isinilang sa France noong 1873. Sa edad na 15-taon pumasok siya sa Carmelite Monastery kung saan ginugol niya ang kaniyang buhay sa pagpapakabanal at gawin ang mga lahat ng mga bagay ng may pagmamahal.

Siya ay pumanaw sa edad na 24 dahil sa sakit na tuberculosis at idineklarang Santo ng simbahan taong 1925, makaraan ang 100 taon ng kanyang pagkamatay kinilala rin siya bilang ikatlong babaeng doctor ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,228 total reads

 60,228 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,724 total reads

 146,724 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 189,761 total reads

 189,761 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,520 total reads

 239,520 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 397,813 total reads

 397,813 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top