Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese ng Legazpi, patuloy na nakaagapay sa Mayon evacuees

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Kinumpirma ng Social Action Center ng Diocese of Legaspi, Albay ang pagbaba ng bilang ng mga evacuees sa iba’t-ibang evacuation centers sa lalawigan.

Ayon kay Rev. Fr. Rex Paul Arjona, Social Action Director ng diyosesis, mula sa dating higit 84,500 na mga evacuees noong nakaraang linggo ay bumaba na ito sa 63,642 batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Gayunman, tiniyak ng Pari ang patuloy na pagsasagawa ng relief operations ng diyosesis partikular na ang pag-agapay sa mga katuwang nitong Church groups, networks at iba pang mga diyosesis na makapagpaabot ng tulong sa mga evacuees na patuloy pa rin ang mga pangangailangan.

Pagbabahagi ni Fr. Arjona, isa sa mga ginagawa ng Social Action Center ng Diocese of Legazpi ay ang pagtukoy sa mga evacuation centers na lubos na nangangailangan ng suporta at tulong dahil sa mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbalik ng mga residente sa itinakdang danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon.

Inihayag rin ng Pari ang patuloy na pagbabantay at pag-antabay ng diyosesis sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) partikular na ang pagbababa ng Alert Level mula Alert Level 4 pababa ng Alert Level 3 na nangangahulugan ng paghupa ng aktibidad ng bulkan.

Una nang umapela ang Diocese of Legazpi, Albay ng spiritual intervention upang ipanalangin ng bawat isa ang kapakanan ng mga mamamayan sa lalawigan mula sa maaring panganib na maidulot ng ganap na pagsabog ng bulkang Mayon.

Nanawagan din ang Diocese ng Legazpi nang tulong para sa mga evacuees.

Read: Diocese of Legazpi, muling nanawagan ng tulong at dasal

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 9,280 total views

 9,280 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 25,369 total views

 25,369 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,132 total views

 63,132 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,083 total views

 74,083 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,921 total views

 18,921 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 14,329 total views

 14,329 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top