Visita Iglesia, gawing makabuluhan sa pagsusuri ng budhi at pagbabakasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total reads

Ito ang naging pahayag ni Diocese of Balanga, Bataan Ruperto Santos sa mga mananampalataya ngayong bisperas bago ang tradisyunal na Visita Iglesia na siyang kinagawian ng mga Pilipino.

Aniya, mahalagang tandaan ng bawat pilgrims na hindi lamang ito panahon para makapag–bakasyon kundi pagkakataon rin upang panumbalikin muli ang relasyon at ugnayan sa Diyos.

“Gamitin nila ang pagkakataong ito na makipag–kaisa, makapag–bigay ng panahon na makiniig ang Panginoon sa panalangin at sa pagsamba at sa pagdiriwang ng mga sakramento. Isipin nila na hindi ito isang bakasyon, hindi paglalamienda, hindi paglalakwatya. Kundi pagkakataon na kung saan suriin nila ang kanilang sarili, ang kanilang kalooban kung ano na ang ugnayan nila sa Diyos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas

Inihayag ni Bishop Santos na mahalagang samatalahin ang Semana Santa upang makasama ang pamilya sa pananalangin sa mga simbahang bibisitahin.

“Ito rin ay isang pagkakataon na ilaan nila ang kanilang panahon sa kanilang mahal sa buhay. Sama – samang kumakain, sama – samang nagkwe – kwentuhan , sama – samang nagdarasal sa simbahan, pagkakataon na damhin nila ang presensya ng bawat isa,” giit ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Kaugnay ng Lenten break, tinaya ng Philippine Coast Guard na sa 80 libong pasahero ang dumaragsa sa mga pantalan sa buong bansa simula pa noong Linggo ng Palaspas.

Samantalang, aabot sa 200 libong sasakyan ang dumadaan sa North Luzon Expressway araw-araw at 30,000 naman sa Subic Clark Tarlac Expressway.

Samatanla, ayon sa Tourist Assistance Center ng Boracay, inaasahang nasa 50,000 turista ang inaasahan nilang magbabakasyon sa isla ngayong Holy Week.

Nauna na ring ipinaalala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na hindi ang pananakit sa sarili ang tunay na diwa ng mga Semana Santa kundi ang pagkakawang-gawa at paglalakbay tungo sa kabanalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 1,221 total reads

 1,221 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 51,894 total reads

 51,894 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 73,985 total reads

 73,985 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 173,804 total reads

 173,804 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 207,077 total reads

 207,077 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 263,310 total reads

 263,310 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 387,053 total reads

 387,053 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top