Pigilan ang “Ecocide”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total views

Umaasa si Joel Palma, President and CEO ng World Wide Fund for Nature Philippines na magiging mas malalim at makahulugan ang magaganap na Earth Hour simula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya ng gabi sa ika-24 ng Marso, 2018.

Ayon kay Palma, sa temang “Connect to Earth” ay bibigyang diin ang mga suliranin sa Biodiversity ng mundo.

Sinabi ni Palma na ang tema ngayong 2018 ay iniugnay noong nakaraang taon na patungkol sa climate change dahil ang samu’t-saring buhay sa kagubatan at karagatan ang pangunahing naaapektuhan ng matinding pagbabago ng klima.

“It’s just getting deeper dun sa issue which is connect to the Earth because at the end of the day everything that we use, we need is actually coming from our planet, our environment so dapat maging conscious tayo dito dahil kung mawala ito, mawawala ang [pinagkukunan ng] mga pangangailangan natin. So connect to earth is just very basic that we have to take care of the planet so the planet can take care of us.” pahayag ni Palma sa Radyo Veritas.

Samantala, naniniwala si Palma na ang tungkulin ng pangangalaga sa kalikasan ay dapat gampanan ng lahat ng tao maging anuman ang kanilang relihiyon o pinaniniwalaan.

Paliwanag ni Palma, malinaw na naipahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si na mahalagang kilalaning mabuti ng tao ang pagkakaiba ng mga bagay na kinakailangan ng tao sa mga bagay na kagustuhan lamang.

Umaasa ang WWF na sa ganitong paraan ay mapoprotektahan ang kalikasan at mapepreserba ang taglay nitong yaman para sa susunod pang henerasyon.

“It’s the responsibility of everybody and in the faith community whether Catholic whether other faiths we are all one because we are all living in one planet and lahat naman ng teaching is really to be able to use [the environment] sustainably. Ang problema kasi we use so much and merong factor na we need so much pero iba yung need iba yung want and I think this is what the Pope has basically articulated most of the time it’s already wants rather than needs and kapag sumosobra ang wants it will be at the expense of the future generation.” Dagdag pa ni Palma.

Kaugnay nito, noong nakaraang taon ay tinatayang 7-libong mga siyudad mula sa 180 mga bansa ang nakiisa sa Earth Hour habang sa Pilipinas naman ay umabot sa 713 munisipalidad at 29 na mga provincial governments ang lumahok sa naturang pagdiriwang.

Humigit kumulang 166-Meggawatts ng kuryente ang tinatayang natipid sa loob lamang ng isang oras na pagpapatay ng mga ilaw at iba pang electrical appliances noong 2017.

Ngayong taon ang ika-11 taon nang pagdiriwang ng Earth Hour magmula noong 2007 at patuloy na nakikiisa dito ang iba’t-ibang mga organisasyon kasama na ang Simbahang katolika.

Sa tulong ng taunang pagsasagawa ng Earth Hour naniniwala ang mga Obispo ng simbahang katolika na panandaliang nakapagpapahinga ang daigdig, at dahil dito, umaasa ang mga ito na maipagpapatuloy ang ganitong mabubuting gawain para sa kapaligiran, upang mapigilan na din ang “ecocide” o pagpatay sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,552 total views

 57,552 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,421 total views

 53,421 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,623 total views

 89,623 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,998 total views

 97,998 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,534 total views

 122,534 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,164 total views

 325,164 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top