Buhayin ang kultura ng Barangayan sa SK at Barangay elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total views

Umaasa si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na maibabalik ng mga Filipino ang kultura ng ‘barangayan’ na nangangahulugan ng pagtutulungan ng komunidad.

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay sa nakatakdang pagdaraos ng Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa ika-14 ng Mayo.

“Ang mahalaga ay mamayani ang genuine concern,” ayon kay Bishop Mallari.

Sinabi ng Obispo na hindi dapat mawala ang kahulugan ng barangay na pagtutulungan lalu’t nasa iisang komunidad lamang ang mga botante.

“Nawawala ang tunay na salita ng ginagamit natin, tulungan dapat ang nakikita diyan sa barangay level. Lalung lalo na dahil magkakakilala naman ang mga tao. Dapat ay mas maging maalab ang damayan at malaki ang malasakit natin sa kababayan natin. Huwag tayong magpagamit sa hindi magandang pulitika,” panawagan ng Obispo.

Panawagan din ng Obispo sa mga botante at kandidato na panatilihin ang katiwasayan sa halalan at iwaksi ang karahasan.

Iginiit ng Obispo na sana ay maiwasan ang mga pandaraya, pananakot at pagpaslang sa halip ay umiral ang patas na halalan na mailuklok ang kagustuhan ng mga tao na makakapagbigay ng tunay na serbisyo sa publiko.

“Dagdagan natin ang dasal unang-una bantayan ang boto natin yung mga boto ng ating at ng ating kababayan sa barangay. Nawa makapag-organize kasama ang PPCRV sa barangay level natin. Para sama-sama nating pagtulungan na ang pagkakaroon ng patas, maayos at talagang walang violence na mangyayari sa ating mga barangay,” ayon kay Bishop Mallari.

Layunin ng halalan na punan ang may 900 libong posisyon ng higit sa 42 libong barangay sa buong bansa.

Sang-ayon sa Panlipunang katuruan ng Simbahan, ang malayang pagpili ng mga kandidato at ang pagboto sa mga ito ay karapatan ng bawat mamamayan na hindi dapat pigilan at bagkus ay dapat pang itaguyod at pangalagaan ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,331 total views

 47,331 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,200 total views

 43,200 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,402 total views

 79,402 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,109 total views

 88,109 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,403 total views

 113,403 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top