Boracay, nagmistulang war zone

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total reads

Positibo pa rin ang pagtingin ni Father Jose Tudd Belandres, Parish priest ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Boracay Island, sa nalalapit na pagsasara sa isla dahil sa paglabag sa environmental laws.

Ayon sa pari, hindi ito itinuturing ng mga residente na “closure” at sa halip ay rehabilitasyon lamang para sa ikabubuti ng kanilang isla at para din sa kabutihang idudulot nito sa mamamayan.

“We are happy, we have to face this but actually we don’t call it closure but we call it rehabilitation, kasi hindi naman sya talaga isasara kundi aayusin para maging mabuti para sa lahat, para sa amin, ang Boracay, that’s how we address yung nangyayari sa amin dito sa Boracay.” Bahagi ng pahayag ni Father Belandres sa Radyo Veritas.

Gayunman, hindi pa rin nawawala ang pangamba ng pari dahil magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malinaw na nailalatag sa kanila ang kongkretong plano ng pamahalaan sa gagawing rehabilitasyon sa Boracay.

Bukod dito, nakapagtataka din ayon kay Father Belandres na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin isinasailalim sa State of Calamity ang kanilang isla gayong ito ang unang inihayag ng pamahalaan.

Inilarawan pa ng pari ang kasalukuyang sitwasyon sa Boracay na tila isang “warzone” dahil sa dami ng mga pulis na nakadeploy at nakasuot pa ng ati-riot gear.

“Kahit ngayon, yung state of calamity ay hindi pa na declare, tapos yung concrete programs for the rehabilitation, although na mention naman ng aming governor yung maglilinis ng sewerage at yung demolition pa ng ibang mga resorts at saka yung situation nga ngayon dito parang warzone kasi ang daming mga pulis tapos naka anti-riot gear pa sila pero sa ibang program siguro sa gobyerno ay clear sa kanila pero hindi pa po nasabi sa amin.” Dagdag pa ni Father Belandres.

Sa kabila nito, tiniyak ni Father Belandres na magpapatuloy ang normal na gawain sa kanilang Parokya.

Aniya, hindi maaapektuhan ng pagpapasara sa isla ang mga Pastoral Works na inihahatid nito sa mga tao at tanging ang mga aktibidad lamang na magmumula sa labas ng isla ang nakansela.

Nagpapasalamat naman ang Pari sa pagsuporta ng Simbahang Katolika sa isla ng Boracay at sa Our Lady of the Most Rosary Parish.

Hiling ni Father Belandres ang patuloy na panalangin upang matagumpay na matapos ang rehabilitasyon sa Boracay at maibalik ang balanse ng kalikasan sa isla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 30,265 total reads

 30,265 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 138,177 total reads

 138,177 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 182,847 total reads

 182,847 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 205,053 total reads

 205,053 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 240,670 total reads

 240,670 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 389,882 total reads

 389,882 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top