Pinoy, tumanggap ng Goldman Environmental award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 316 total views

Isa na namang Filipino ang nakatanggap ng Goldman Environmental Prize matapos nitong matagumpay na maipa phase out sa Pilipinas ang lead-containing paints.

Pinarangalan si Manny Calonzo isang Filipino Campaigner for Lead Safe Paint, former president ng EcoWaste Coalition at adviser ng Global Lead Paint Elimination Campaign of I-PEN, isang international NGO network na nagsusulong ng toxic-free future.

Tinanggap ni Calonzo ang isa sa pinaka-mataas na parangal para sa isang environmentalist na Goldman Environmental Prize, isang US-based Foundation na kumikilala sa mga natatanging environmentalist na nagpakita ng katapangan at pagiging masigasig sa pagtatanggol sa kalikasan at ligtas na kapaligiran para sa bawat tao.

“By phasing out lead-containing decorative paints in 2016 and lead-containing paints for industrial uses by 2019, we hope to achieve a lead safe paint market by 2020 and ensure a lead safe environment for all, especially for children and babies still growing in the womb,”  bahagi ng pahayag ni Calonzo.

Ang mga kumpanyang Pacific Paint (Boysen) Philippines. Inc. at Davies Paints Philippines ang kauna-unahang nakatanggap ng Lead Safe Paint® mark sa buong mundo.

Samantala, isa pang Philippine Paint Company na Sycwin Coatings and Wires Inc., ang kasalukuyang sumasailalim sa lead content verification.

Bukod kay Calonzo, anim na mga kababaihan naman ang iba pang nakatanggap ng Goldman Environmental Prize award.

Ito ay sina, Francia Marquez ng Colombia, Claire Nouvian ng France, Makoma Lekalakala at Liz McDaid ng South Africa, Leeanne Walters ng USA, at Khanh Nguy Thi ng Vietnam.

Ang Goldman Environmental Prize ay unang naitatag noong 1989 sa pamamagitan ng San Francisco Civic Leaders at philanthropists na sina Richard and Rhoda Goldman.

Matatandaang noong 2012 ay isa rin sa Goldman Environmental Prize Awardee si Father Edu Gariguez ang Executive Secretary ng CBCP NASSA / Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,120 total views

 46,120 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,989 total views

 41,989 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,191 total views

 78,191 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,926 total views

 86,926 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,342 total views

 112,342 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,792 total views

 324,792 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top