Buhayin ang kultura ng Barangayan sa SK at Barangay elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Umaasa si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na maibabalik ng mga Filipino ang kultura ng ‘barangayan’ na nangangahulugan ng pagtutulungan ng komunidad.

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay sa nakatakdang pagdaraos ng Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa ika-14 ng Mayo.

“Ang mahalaga ay mamayani ang genuine concern,” ayon kay Bishop Mallari.

Sinabi ng Obispo na hindi dapat mawala ang kahulugan ng barangay na pagtutulungan lalu’t nasa iisang komunidad lamang ang mga botante.

“Nawawala ang tunay na salita ng ginagamit natin, tulungan dapat ang nakikita diyan sa barangay level. Lalung lalo na dahil magkakakilala naman ang mga tao. Dapat ay mas maging maalab ang damayan at malaki ang malasakit natin sa kababayan natin. Huwag tayong magpagamit sa hindi magandang pulitika,” panawagan ng Obispo.

Panawagan din ng Obispo sa mga botante at kandidato na panatilihin ang katiwasayan sa halalan at iwaksi ang karahasan.

Iginiit ng Obispo na sana ay maiwasan ang mga pandaraya, pananakot at pagpaslang sa halip ay umiral ang patas na halalan na mailuklok ang kagustuhan ng mga tao na makakapagbigay ng tunay na serbisyo sa publiko.

“Dagdagan natin ang dasal unang-una bantayan ang boto natin yung mga boto ng ating at ng ating kababayan sa barangay. Nawa makapag-organize kasama ang PPCRV sa barangay level natin. Para sama-sama nating pagtulungan na ang pagkakaroon ng patas, maayos at talagang walang violence na mangyayari sa ating mga barangay,” ayon kay Bishop Mallari.

Layunin ng halalan na punan ang may 900 libong posisyon ng higit sa 42 libong barangay sa buong bansa.

Sang-ayon sa Panlipunang katuruan ng Simbahan, ang malayang pagpili ng mga kandidato at ang pagboto sa mga ito ay karapatan ng bawat mamamayan na hindi dapat pigilan at bagkus ay dapat pang itaguyod at pangalagaan ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 50,577 total reads

 50,577 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 137,077 total reads

 137,077 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 180,114 total reads

 180,114 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,873 total reads

 229,873 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,772 total reads

 388,772 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top