Hindi nararapat maghari ang diktadura sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

Ang Pilipinas ay isang malayang bansa kung saan umiiral ang demokrasya at hindi ang diktadura.

Ito ang binigyang diin ni Dean Antonio La Vina, dating Dean ng Ateneo School of Government kaugnay sa personal na pagtatakda ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga maaring pahintulutang pumasok at lumabas na mga dayuhan sa bansa.

Nilinaw ni Dean La Vina na hindi maaaring basta na lamang kontrolin ang pagpapapasok sa bansa ng mga dayuhan tulad na lamang ng pagtrato ng Bureau of Immigration sa Australian missionary-nun na si Sr. Patricia Fox.

Ibinahagi ni Dean La Vina na kahit sa ilalim ng rehimeng Marcos ay marami ang mga dayuhang Pari at Madre na hindi pinaalis ng pamahalaan sa kabila ng kanilang mga puna at pakikibahagi sa mga panawagan ng mamamayan sa mapang-abusong pamamahala.

“Lahat yan may consequencesn, diba kapag hindi ka nagpapapasok ng mga tao hindi naman tayo diktadura diba? hindi naman tayo lugar na yung mga tao pinagbabawalan pumasok o hindi, kahit kay Marcos nakakapasok. Yung nangyari kay Sister Patricia Fox, yung kahit kay Marcos noon madaming mga foreigners na mga Pari at Madre na nandidito hindi naman sila pinaalis ni Marcos kahit na nagki-criticize sila, part yan of being in a world, in a global world…”pahayag ni La Vina sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nga nito, tuluyan ng kinansela ng Bureau of Immigration o BI ang missionary visa ng 71-taong gulang na si Sr. Patricia Fox matapos ang kanyang higit 27-taong pagmimisyon sa bansa.

Ang desisyon ng B-I ay ibinase sa Philippine Immigration Act of 1940 – Section 9 na nagbabawal sa mga dayuhang misyonero sa bansa sa makisangkot sa anumang uri ng political activities kung saan binibigyan ng 30-araw si Sr. Fox upang makaalis ng bansa.

Naunang nagpahayag ng pagsuporta si Sorsogon Bishop Arturo Bastes -Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission sa adbokasiya ni Sr. Fox at mariing kinundina ang naging pagtrato ng Bureau of Immigration sa madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,530 total reads

 56,530 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,026 total reads

 143,026 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,063 total reads

 186,063 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,822 total reads

 235,822 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,338 total reads

 394,338 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top