Patients care, Family care at Community care.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 489 total reads

Ito ang tatlong aspeto na tinututukan sa Programang Pangrehabilitasyon ng Diocese ng Caloocan sa mga indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, magkakaroon ng after care ang mga recoveries kung saan patuloy ang pagtitipon ng kanilang mga support group sa tulong ng mga Professional Counsellors upang matiyak na hindi babalik sa iligal na gawain.

Bukod sa mga recoveries, sasailalim din sa counselling ang pamilya nito dahil naniniwala ang Obispo na ang paghilom ay hindi lamang sa taong nalulong sa iligal na droga kundi maging sa Pamilya at Komunidad na kinabibilangan.

Tiniyak ng Diocese ng Caloocan na magpatuloy ang pagtugon sa mga indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na gamot na nagtapos sa rehabilitation program.

“Yun ang after care so pagkatapos ng graduation kailangan imimeet nila yung kanilang support group at mayroong counsellors na magmomonitor sa kanila for the after care to make sure na walang relapse at siyempre kasama sa mga counsellings, families nila kasi ang healing dito hindi lang sa individual hindi lang dun sa pasyente kundi sa family at ang pinaghuhusay pa namin yung involvement of the community.” bahagi ng pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Nilinaw ng obispo na kaisa ang Simbahang Katolika sa layunin ng administrasyong Duterte na alisin ang iligal na droga sa bansa ngunit iginiit na dapat sa tamang pamamaraan at pairalin ang due process sa mga sangkot na indibidwal.

Noong ika – 11 ng Hunyo isinagawa ang 3rd CARROTS SALUBONG Completion rites sa Caloocan City Hall kung saan 276 na mga recoveries ang nagtapos sa Rahabilitation Program sa pakikipagtulungan ng simbahan at lokal na pamahalaan.

Sumailalim sa counselling, spiritual renewal at maging livelihood programs ang ibinahagi sa mga recoveries na makatutulong sa kanilang tuloy-tuloy na pagbabago.

Tiniyak naman ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na mas palalawakin ang programang pangrehabilitasyon sa lunsod at hinihikayat nito ang mga may kamag-anak na sangkot sa ipinagbabawal na gamot na sumailaim sa libreng programang pangrehabilitasyon.

Samantala, tumangging magbigay komento si Bishop David hinggil sa muling pagkakatalaga ni Senior Superintendent Chito Bersaluna ang dating hepe ng Caloocan police na tinanggal sa puwesto dahil sa kontrobersiyal na pagkakapaslang kay Kian Lloyd Delos Santos na kinasangkutan ng Police Caloocan.

Si Bersaluna ay itinalagang hepe ng Bulacan Provincial Police Office.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 87,413 total reads

 87,413 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 181,443 total reads

 181,443 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 225,711 total reads

 225,711 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 248,820 total reads

 248,820 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 320,031 total reads

 320,031 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top