Pangulong Duterte, hinamong maging pro-workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total views

Paulit-ulit lang na senaryo sa bansa ang pakikipaglaban ng mga manggagawa para sa kanilang karapatan sa seguridad ng panunungkulan sa mga kumpanya.

Ito ang binigyang diin ni Luke Espiritu, Pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino kaugnay sa iligal na pagtanggal ng mga manggagawa sa Pacific Plaza Towers (PPT) sa Bonifacio Global City.

Paliwanag ni Espiritu, idinadaan ng mga kumpanya sa pananakot, pagsuspende at pinakamalubha ang alisin sa trabaho ang mga manggagawang lumalaban para sa kanilang karapatan.

“What we see here is a recurring pattern: workers asserting their right to security of tenure and self-organization, and then the retaliation of management through threats, suspension and illegal dismissals. The workers have had enough, and are coming together to demand an end to contractualization and abuse at the hands of their employers,” pahayag ni Espiritu.

Ayon naman kay Randolph Joseph Bacur, isa sa mga manggagawang tinanggal ng PPT, panahon na upang wakasan ang kontraktuwalisasyon sa bansa lalo na sa mga maliliit na mga manggagawa na tapat at may dedikasyon sa trabahong iniatang ng mga kumpanya.

Nanawagan din itong maibalik ang 17 manggagawa na tinanggal ng kumpanya.

“Nais lang poo naming 17 manggagawa ng Pacific Plaza Towers na ibalik kami sa serbisyo bilang regular na empleyado ng nasabing kumpanya dahil sapat po ang panahon na ginugol namin para maging isang regular na manggagawa.” bahagi ng pahayag ni Bacur sa Radio Veritas.

Panawagan din ni Bacur at mga kasamahan kay Pangulong Rodrigo Duterte na isakatuparan ang mga pangako nito sa sektor ng manggagawa.

“Sa iginagalang at pinagkakatiwalaan nating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte nais po namin ulit na isakatuparan niyo po ang inyong pangako na tuluyang wakasan ang kontraktuwalisasyon, halina’t sa totoong pagbabago.” dagdag ni Bacur.

Hinaing din ng grupo ang hindi pagbabayad ng Polystar Manpower Agency sa mga kontribusyon tulad ng SSS, Philhealth at Pag-ibig ngunit buwan-buwan itong ibinabawas sa kanilang sahod.

Sa isang mensahe ni Pope Francis, isa sa pangunahing karapatan ng isang tao sa lipunan ang pagkakaroon ng marangal na trabaho na may karampatan sahod at benepisyo para sa kanilang paggawa upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 52,993 total views

 52,993 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 127,607 total views

 127,607 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 207,686 total views

 207,686 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 250,825 total views

 250,825 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 248,756 total views

 248,756 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top