Mag-ingat sa mga nag-aalok ng trabaho online

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 804 total reads

Pinag–iingat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (CBCP – ECMI) ang mga Pilipinong nagbabalak na mag-apply ng trabahho sa ibang bansa sa mga nag – aalok ng trabaho online.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, dapat maging mapanuri ang naghahanap ng trabaho sa abroad dahil naglipana ngayon ang mga nag-aalok ng trabaho sa mga five star hotels sa Canada gamit ang social media maging sa e-mail.

Paliwanag pa ng obispo, hindi dinadaan ng mga lehitimo at malalaking kumpanya sa internet ang recruitment at lagi itong nakaabiso sa Philippine Overseas Employment Administration o P-O-E-A.

“Una sa lahat dapat ang ating mga OFW ay maging maingat at mapanuri sa pag–aaply ng mga trabaho sa ibang bansa at lalo na yung mga offer na nakikita nila sa internet o yung mga offer na referral. Dapat nilang suriin na ito ba ay accredited ng POEA at sa POEA ay may listahan ng blacklisted,” panawagan ng Obispo.

Pinayuhan rin ni Bishop Santos ang mga nag-aapply sa recruitment agencies na naniningil ng mga fee at pini-perahan lamang ang mga aplikante.

“Ikalawa, kapag humihingi kaagad ng fee o babayaran ito ay isa na namang pagkakataon na dapat sila ay kabahan at mag – alinlangan na kung ito ay tunay. Sapagkat ang karamihan ng galing sa POEA ay wala ng mga fee, walang referral at recruitment fee. At lahat ay dumadaan sa legal na paraan na sa POEA na mismo na daraan,” giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Nabatid na noong 2014 umabot sa 63 recruitment agencies ang kinansela ang permit ng POEA dahil sa maanolamayang lisensya ng mga ito.

Nauna rito, binanggit ng CBCP –ECMI na umaabot ng 5,000 hanggang 6,000 na hired OFWs ang umaalis ng airport kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 75,946 total reads

 75,946 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 113,074 total reads

 113,074 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 147,203 total reads

 147,203 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 203,610 total reads

 203,610 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 321,351 total reads

 321,351 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 427,436 total reads

 427,436 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top