Kandidatong walang malasakit sa kalikasan, huwag iboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total reads

Paiigtingin ng Greenthumb Coalition ang pagkilos upang maisama sa agenda ng mga pulitiko ngayong election 2016 ang suliranin ng bansa sa kalikasan.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina na kasapi ng Greenthumb Coalition, magtatalaga ng kinatawan ang mga environment advocates sa huling presidential debate upang mas mapalalim ang pagtalakay sa usapin ng nagbabagong klima.

Dagdag pa ni Garganera, aalamin din ng koalisyon ang katayuan ng mga kandidato sa iba’t ibang usaping nasasaklawan ang kalikasan tulad ng mining, logging, coal, biodiversity protection, waste management, integrity of creation at iba pa.
Aniya, hindi dapat ihalal ang mga kandidatong walang malasakit sa kapaligiran.

“Tina-target natin na sa huling presidential debate ay mapadami yung punto ng diskusyon tungkol sa kalikasan. So sisiguraduhin natin na may mga tanong tungkol sa kalikasan, may mga tao na kumakatawan sa mga makakalikasang issue na nandoon at sana matukoy mismo ng mga kandidato na ano yung kanilang position sa mga environmental issues.” Ang pahayag ni Garganera sa panayam ng Radyo Veritas.

Bilang bahagi ng pagpapaigting sa kampanya ng Greenthumb inilunsad nito ang Scorecard na naglalaman ng mga katanungang susukat sa kakayahan at intensyon ng mga kandidato na proteksyunan ang kalikasan.

Ihahayag ng grupo ang resulta sa ika-22 ng Abril kasabay ng pagdiriwang ng Earth Day.

Samantala, una na ring nailunsad sa walong lalawigan ang Green Thumb Campaign kung saan umabot sa 13,000 mamamayan ang nakibahagi upang ipakita ang pagsuporta sa adhikaing pangalagaan ang kalikasan.

Hinimok naman kanyang Kabanalan Francisco sa Ensiklikal nitong Laudato Si, ang lahat ng tao na makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa sariling kultura, karanasan, at talento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 62,807 total reads

 62,807 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 100,801 total reads

 100,801 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 134,929 total reads

 134,929 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 191,335 total reads

 191,335 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 17,744 total reads

 17,744 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 47,418 total reads

 47,418 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 40,276 total reads

 40,276 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top