“Spirit of truth”,gawing gabay sa pagpili ng iboboto.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,209 total reads

Huwag magpabola sa mga kandidato.

Ito ang paalala ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa mga botante na maghahalal ng mga bagong pinuno ng Pilipinas sa ika-9 ng Mayo, 2016.

Pinayuhan ng Obispo ang mga botante na huwag umasa sa mga sinasabi at ipinapangako ng mga kandidato sa halip ay maging matapang sa pagtuklas sa katotohan.

Ayon sa Obispo, mahalagang alamin ng mga botante ang katotohanan hinggil sa ibobotong kandidato upang magkaroon ang bansa ng pinunong may integridad, may katapatan at may sensiridad sa paglilingkod sa ngalan ng kanilang pagmamahal sa Diyos at sa ating bayan.

Hinamon ni Bishop Cabantan ang lahat na maging matapang at masigasig na ihayag ang katotohanan at iwasan ang kasamaan sa ating lipunan.

“Be courageos in searching for the truth and live for it. As election draws near there are so many truths to uncover if we just rely on the different candidates speaking. Let us be guided with the Spirit of Truth so that we can courageosly elect persons with integrity, honesty, and sincere in their love for God and country. May we be courageous also in announcing what is true and denouncing the evils in society.”panawagan ni Bishop Cabantan

Pinaalalahanan din ng Obispo ang bawat botante na mag-isip, magnilay at magdasal bago bumoto.

See http://www.veritas846.ph/think-reflect-pray-bago-bumoto/

Samantala, Hinimok ng CBCP Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na aktibong makilahok sa mga gawain para sa pagkakaroon ng isang tapat at malinis na halalan sa bansa.

Pinayuhan ni Father Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng komisyun ang mga kabataan na maging volunteer poll watcher sa halalan para mabantayang mabuti ang automated elections sa bansa.

Inihayag ng pari na kung walang pagkakataon na maging volunteer ay gamitin ang social media sa pagbabantay ng botohan at i-report ang mga di-kanais-nais at mga dayaang nakikita sa kanilang mga presinto.

Hinimok din ni Father Garganta ang mga kabataan na bumoto at gamitin ng tama ang kanilang karapatan at kalayaan sa pagboto.

“That our young people can be very much actively engaged and our election its very- very close to election month”.pahayag ni Father Garganta sa Radio Veritas

Inaasahan naman ng pari sa patuloy na pagsasagawa ng mga kabataan ng corporal works of mercy at spiritual works of mercy.

Sa datus ng Commission on Elections, umaabot sa 37-porsiyento ng mga registered voters ay mga kabataan o may kabuuang bilang na 20-milyon mula sa 54.6-milyong registered voters sa bansa.(Riza Mendoza)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 57,747 total reads

 57,747 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 161,961 total reads

 161,961 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 198,749 total reads

 198,749 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 229,324 total reads

 229,324 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 275,389 total reads

 275,389 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 369,734 total reads

 369,734 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top