Pangulong Aquino, hinamong tulungan ang mga Pilipinong nasa death row.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total views

Nanawagan sa pamahalaan si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People,na bigyang pansin ang kalagayan ng mga Filipinong nahatulan ng death penalty sa iba’t ibang bansa bago pa mahuli ang lahat.

Ayon sa Obispo, tungkulin ng pamahalaan na tulungan, ipagtanggol at ayudahan ang bawat Filipino saan mang panig ng mundo kaya nararapat lamang na agad na kumilos ang pamahalaan upang tulungan ang mga OFW na nakakulong sa iba’t ibang bansa.

“Ang ating kahilingan sa ating pamahalaan ay huwag nalang hintayin pa na darating yung execution date at kung kelan pa nagkaroon ng sentence ay saka tayo kikilos, hangga’t may panahon at hangga’t maari, hanggang ngayon gawin na natin lahat ng ating magagawa upang sila ay tulungan, sila ay ipagtanggol at sila ay makalaya, at gamitin na natin ang lahat ng ating maitutulong mayroon naman tayong mga pondo para dyan, gamitin na natin huwag na tayong maghintay pa..” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Lumabas sa pag-aaral ng Amnesty International na tumaas ng 54 na porsyento ang naitalang bilang ng mga Pilipinong nasa death row na noong 2015 ay umabot sa 1,634.

Sa tala, nagmula sa mga bansang Iran, Pakistan at Saudi Arabia ang 89 na posryento o higit 1,400 na kaso ng execution mula sa buong mundo.

Samantala, batay naman sa datus ng Migrante International, mahigit sa 100 na ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers na nasa Death Row o nahaharap sa parusang kamatayan sa iba’t ibang bansa na karamihan ay may kasong Drug Trafficking.

Magugunita namang bukod sa parusang kamatayan, hindi rin sang-ayon ang Kanyang Kabanalan Francisco, sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na labag sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng panibagong pagkakataon sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 19,037 total views

 19,037 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 52,119 total views

 52,119 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 80,470 total views

 80,470 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 148,200 total views

 148,200 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 169,897 total views

 169,897 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top