Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karagdagang tulong, kailangan ng Kidapawan farmers

SHARE THE TRUTH

 205 total views

Nanawagan ng tulong ang Diocese of Kidapawan sa mga mabuting Samaritano para sa mga magsasakang apektado ng tag – tuyot at gutom sa kanilang lugar.

Ayon kay Kidapawan Apostolic Administrator, Msgr. Lito Garcia, batay sa kanilang napagkasunduan sa ginanap na clergy meeting na maglalabas sila ng isang pastoral statement para ibigay ang kabuuan ng kanilang posisyon sa nangyaring madugong dispersal sa mga magsasaka.

Pinasalamatan naman ni Msgr. Lito ang mga nauna ng nagpa-abot ng tulong ngunit nangangailangan pa rin ng pangmatagalang pagkain ang mga magsasaka.

Kaya’t sa ngalan ng kanilang Diyosesis, hinimok nito ang lahat na maging bukas palad sa pagtugon sa mga magsasakang apektado ng tag-tuyot.

Nauna na ring nagpa-abot ng tulong ang Caritas Manila sa pagbibigay ng 200 sako ng bigas na mula kay Mr. Mon Moreno.

Napagkasunduan naman ng mga kaparian ng Kidapawan na ito ay ipamahagi sa kanilang 18 parokya sa pamamagitan ng Basic Ecclesial Communities.

“Kaming Diocesan clergy of Kidapawan ay nagkaroon ng regular meeting nitong umaga na ito at napag – usapan namin yung pangyayari dito nitong nakaraan tungkol sa mga farmers na humihingi ng bigas para may makain. At yung nangyaring dispersal at nagkasakitan merong mga biktima. Nabiktima sa nangyaring masabi kong karahasan. Pangyayaring hindi natin inaasahan at kailanman sana ay hindi dapat mangyari. Nagpapasalamat ako sa mga taong handang tumulong kahit ganun pa man ang nangyari. Sa mga kababayan natin, sa mga magma-magandang loob ay hinihiling natin na kung meron kayong mai- abot na tulong sa pamamagitan ng Diocese of Kidapawan ako po ay nanawagan sa inyo ang account na Diocese natin BPI account number 008663-0571-55, account name RCB Diocese of Kidapawan Branch, Kidapawan City,” bahagi ng panawagan ni Msgr. Garcia sa panayam ng Veritas Patrol.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,565 total views

 88,565 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,340 total views

 96,340 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,520 total views

 104,520 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,017 total views

 120,017 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,960 total views

 123,960 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 98,269 total views

 98,269 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 64,032 total views

 64,032 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top