CWL, Nanindigan laban sa Death penalty at Reproductive health law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Tiniyak ng Catholic Women’s League na mananatiling lingkod ng Simbahang Katolika ang kanilang hanay at nakasusunod sa mandato at pangaral ng Simbahan.

Ayon kay Dr. Rosa Rita Mariano, National President ng CWL, mas pinalalakas at pinatatag ang kanilang grupo upang maging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

“We follow the mandate of the Church and we continue to become Servants of the Church.” bahagi ng pahayag ni Mariano sa Radio Veritas. Sa paglunsad ng Centennial Year ng grupo noog Sabado ika – 4 ng Agosto, inihayag nito ang mga programang makatutulong sa bawat mananampalataya.

Nakabatay ang year-long activities ng grupo sa salitang HOPE o Holiness, Outreach, Pastoral involvement at Empowerment.

Paliwanag ni Mariano na binibigyang pansin ng CWL ang pagpapakabanal sa mga kasapi at ng buong komunidad.

Ito’y sa pamamagitan ng programang tumutugon at inaabot ang mga nangangailangan sa lipunan, pakikibahagi sa misyon ng bawat parokya at pagpapalakas sa mga programang pangkalikasan sang-ayon sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si upang mapangalagaan ang karaniwang tahanan ng mamamayan.

Bukod ditto, nanindigan din ang CWL laban sa pagsasabatas ng Death penalty at Reproductive health Law na taliwas sa turo ng Simbahang Katolika tungkol sa kabanalan at pagpapahalaga sa dignidad ng buhay ng tao.

Dahil dito, may mga programa ang grupo na nagpapaliwanag sa natural family planning upang maibahagi ang wasto at sapat na kaalaman sa pagpaplano ng pamilya na hindi gumagamit ng contraceptives.

Giit ng pangulo ng CWL na kapag nalalaman ng mga mag-asawa ang tamang pagpaplano ay magiging ganap at matagumpay ang paglaban sa reproductive health law.

Samantala, Oktubre taong 1919 nang mabuo ang CWL sa pangunguna ni His Excellency Michael O’ Doherty upang mangangalaga sa espirituwal at moral na pamumuhay ng mga kabataan, kababaihan at mga young professional lalo na noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa kasalukuyan nasa 250 – libo na ang kasapi ng CWL sa buong Bansa sa 84 na mga Diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 25,065 total reads

 25,065 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 56,337 total reads

 56,337 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 134,692 total reads

 134,692 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 228,918 total reads

 228,918 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 288,597 total reads

 288,597 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top