Paggamit sa mga imahen ng Santo sa iligal na gawain, Kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total views

Mariing kinundena ng Simbahang Katolika ang paggamit ng imahe ng mga Santo sa masamang gawain.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication, ito ay kalapastanganan sa pananampalatayang Katoliko.

Ito ang reaksyon ng Obispo kaugnay sa nadiskubreng iligal na droga sa likod ng imahe ng Mahal na Birhen na ipinuslit sa Ninoy Aquino International Airport.

“Sana hindi gamitin ang mga bagay sa ating Simbahan tulad ng mga Santo para gumawa ng masama.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Nanawagan ang Obispo na iwasan ang mga masasamang gawain tulad ng pakikisangkot sa iligal na droga.

Batay sa ulat ng Bureau of Customs, nakumpiska ang nasabing frame ng Mahal na Birhen sa Ninoy Aquino International Airport kung saan isiniksik sa likurang bahagi ang mga shabu.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapena, sinasamantala ng mga sangkot sa iligal na droga ang mga Filipino dahil higit sa 80 porsiyento dito ay mga Katoliko.

Binigyang diin ni Bishop Vergara na dapat palakasin ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen lalo’t ang buwan ng Oktubre ay tinaguriang buwan ng Santo Rosario kung saan pinararangalan ang Mahal na Ina.

“Ngayon po ay buwan ng Oktubre at ating pinaparangalan ang Mahal na Birhen ng Santo Rosario, sila’y paalala sa atin na tayo po ay magdasal at sila ang naging daan din na lalong tumibay ang ating pananampalataya sa Diyos lalo na ang Panginoong Hesus.” dagdag ng Obispo.

Sa kabuuan aabot sa higit 15 milyong piso ang nakumpiskang iligal na droga na nakasilid sa iba’t ibang mga produkto kabilang ang nasa larawan ng Mahal na Birhen.

Bagamat suportado ng Simbahang Katolika ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, nanindigan itong hindi wasto ang pamamaraan nitong paslangin ang mga sangkot sa iligal na gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 41,463 total views

 41,463 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 116,077 total views

 116,077 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 196,156 total views

 196,156 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 239,295 total views

 239,295 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 237,892 total views

 237,892 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top