Kaakibat ng pagtulong ang empowerment hindi lamang dole-out

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total reads

Mahalagang palalakasin ang pagtulong sa kapwa upang mai-angat sa kahirapan.

Ito ang binigyang diin ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications sa pagbubukas ng Caritas Margins Expo ng Caritas Manila sa Taguig City.

Tampok sa Caritas Margins Expo ang mga produktong gawa ng mga maliliit na negosyante at ng mahihirap na sektor ng lipunan.

Ayon sa Obispo, dapat maunawaan ng tao na hindi sapat ang dole-out sa pagtulong sa mga dukha kundi tulungang mabigyang kalakasan na mapagyabong ang mga ibinabahagi upang mamunga at maging daan na makaahon sa kahirapan.

“Ang pagtulong sa mga dukha ay hindi dole out, dapat ang pagtulong na may kaakibat na empowerment.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na ang simpleng pagtulong sa mga mahihirap na magkaroon ng hanapbuhay ay konkretong hakbang sa pagtugon sa suliranin ng kahirapan sa Pilipinas.

“It is a matter of not simply giving fish but teaching people to fish.” dagdag ng Obispo.

Batay sa pag-aaral ng Social Weather Stations noong Disyembre ng nakalipas na taon ay 11 milyong Filipino ang nagsasabing naghihirap.

Sinabi naman ni dating National Anti-Poverty Commission chairperson Liza Masa na higit sa 330 libong pamilya ang lalong naghihirap dulot ng ipinatupad na reporma sa pagbubuwis o ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang Caritas Margins Expo ay nagsimula noong ika – 5 hanggang ika – 7 ng Oktubre sa Market Market Taguig City, tampok ang higit isanlibong produkto na mula sa small medium enterprise.

Sa katuruan ng Simbahan higit na mahalaga ang matulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at mga pagsasanay pangkabuhayan na maging daan upang mapalaya sa kahirapan ang tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 6,918 total reads

 6,918 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 38,190 total reads

 38,190 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 117,799 total reads

 117,799 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 212,025 total reads

 212,025 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 272,297 total reads

 272,297 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 38,093 total reads

 38,093 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top